Advertisers
KULONG ang isang buy and sell agent nang masamsaman ng P7.6 milyong halaga ng iligal na droga sa Lucena City nitong Lunes ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Andrian Saludez, 34, taga-Immaculada Subd., Barangay Isabang ng lungsod.
Dinakip si Saludez ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit-Quezon, Philippine Drug Enforcement Agency Region 4A (PDEA-4A), Lucena Special Drug Enforcement Unit nang makumpiskahan ng 375 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P7,650,000, 2:24 ng madaling araw.
Inaalam pa ng pulisya ang lawak ng operasyon ng suspek at mga kasabwat nito sa sindikato.