Advertisers
WALANG nag-akala na may kimkim ng sama ng loob si SPO3 Arturo Lascanas kay Rodrigo Duterte at ang grupong Davao City. Ang buong akala nila, kakampi nila hanggang sa kahuli-huling sandali si Lascanas. Hindi pala. Kumalas si Lascanas sa kanila at nagbunyag ng kanilang lihim bilang isang pangkat ng mga mamamatay tao sa Davao City.
May katwiran na magkimkim ng sama ng loob si Lascanas sa kanila. Una, mismong ang grupong Davao Death Squad (DDS) ang pumatay sa dalawang kapatid, Cecilio at Fernando, ni Arturo Lascañas. Inamin ni Arturo na sangkot sa droga ang mga pinaslang na kapatid, ngunit hindi pinagbigyan na magbago kahit sandal. Basta pinatay ng hindi dumaan sa itinakdang proseso ng batas. Walang kaabog-abog at walang kalaban-laban.
Pangalawa, hindi ganap na kontrolado ni Duterte ang DDS. Hindi lang kriminal ang pinatay ng grupo. Pinatay kahit ang mga kalaban sa pulitika at negosyo, at kaalitan sa babae. Pinagbalakan patayin ang mga taong walang bahid ng dugo sa kanilang kamay tulad na pari at pulitikong hindi kasundo. May grupo sa loob ng DDS na naglayag ng sarili. Gumawa ng mga krimen tulad ng pagkidnap ng walang pahintulot ni Duterte.
Malalim ang laro ni Lascañas at hindi nila akalain na biglang kumalas upang kalabanin si Duterte at mga kasapakat. Nang lumabas si Lascanas noong ika-3 ng Oktubre, 2016 sa public hearing sa Senado, ikinaila niya ang operasyon ng DDS. Nang lumabas noong ika-17 ng Pebrero, 2017, o halos limang buwan ang nakalipas, bumaligtad si Lascanas at kinalaban si Duterte. Totoo na may DDS at si Duterte ang bumuo nito upang puksain ang mga kriminal umano sa Davao City. Pinatotohanan niya ang unang sinabi ni Edgar Matobato, ang sibilyan na kasama umano sa DDS. Ibang Lascanas ang lumantad sa madla.
Lingid kay Duterte at mga kasama, sumimple si Lascanas at inihanda ang buong pamilya na mangibang bansa. Nagretiro at kinuha ang biyaya sa 38 taon na serbisyo bilang pulis sa Davao City, at ibinenta ang mga ari-arian. Nag-isyu sa madla si Lascanas ng unang affidavit noong ika-20 ng Pebrero, 2017. Isiniwalat ang nalalaman tungkol sa DDS.
Noong Abril, 2017 lumipad sa Singapore si Lascanas at pamilya. Nagpagamot umano dahil may karamdaman sa kidney at sumailalim ng kidney transplant noong 2014. Mula Singapore lumipad sa Europa si Lascanas at pamilya at hindi na muling nakita at lumantad.
Hindi pa tapos ang kuwento ng destierro (exile) sa bansa. Noong kasagsagan ng pandemya at nangupete ang buong mundo sa lupit ng Covid-19, nag-isyu si Lascanas ng 188-pahina na sinumpaang salaysay o affidavit kung saan idinetalye niya ang kanyang nalalaman sa operasyon ng DDS. Kasama ang mga pagkakakilanlan (identity) ng mga biktima sa affidavit. Binanggit ni Lascanas ang operasyon ng DDS noong alkalde si Duterte at kahit noong pangulo siya.
\
Isinumite sa ICC ni Lascanas at mga manananggol ang sinumpaang salaysay at tinanggap. Bahagi na ito sa mga ebidensya na nakalap ng ICC laban kay Duterte at mga kasapakat. Nasa estado ng formal investigation ang ICC kaugnay sa sakdal na crimes against humanity na iniharap laban kay Duterte at mga kasapakat. Pilit na inaantala ni Duterte ang proseso.
***
MAY bahagi sa pinalawak na affidavit kung saan binanggit na tinangkang patayin umano ni Duterte, katulong si Bong Go, na patayin si Senador Antonio Trillanes IV, isa sa mapangahas na kalaban ni Duterte. Si Trillanes ang unang nagdala ng kaso laban sa kanya sa ICC. Kung hindi dahil kay Trillanes, hindi matitinag si Duterte sa walang habas na patayan.
Para ganap na maunawaan at maiwasan ang maling interpretasyon, aking ibibigay ang salaysay ni Lascanas tungkol sa tangkang pagpatay kay Sonny Trillanes. Wala akong binago kahit isang salita sa salaysay. Pakibasa:
“Around November 2016, less than a month before my compulsory retirement from the police service, retired Police Master Sergeant Sonny Buenaventura ordered me to devise an ‘Oplan’ (Operational Plan) to kill then Philippine Senator Antonio Trillanes IV, as ordered to him by President Rodrigo ‘Roa’ Duterte. And I did.
“a. The plan was to smash-break into pieces the vehicle of Senator Trillanes using a 20-wheeler container truck. The killing would appear to be an ordinary vehicular accident with an extra-ordinary victim, an incumbent senator of the Republic of the Philippines. A couple of days later, Sonny Buenaventura informed me that Mayor-President Duterte approved the ‘Oplan’ I devised, with unlimited funding.
b. Then, Bong Go made a follow up call to me about the ‘Oplan’ to kill Senator Antonio Trillanes IV: when could this be possibly implemented and the logistics I would be needing.
c. I told Bong Go that Sonny Buenaventura and I will implement the ‘Oplan’ in 2017, after my compulsory retirement from the Philippine National Police. Bong Go even offered ‘intel’ information on Sen. Trillanes’ movement and vehicle route, and that President Duterte wanted the ‘Oplan’ to be implemented as soon as possible.
d. In December 2016, Bong Go called me and informed me that he already prepared a safehouse for me and my group somewhere in Parañaque City and Las Piñas City.
e. Also, Col. Alden Delvo informed me that he prepared a ‘safe haven’ for me inside PNP Headquarters in Camp Crame, as approved by then PNP Chief Bato Dela Rosa.
f. Meanwhile, retired Police Master Sergeant Sonny Buenaventura planned to place me as an employee at the Bureau of Customs, as my cover while secretly working on the ‘Oplan’ to kill then Senator Trillanes. I feigned consent of his plan.
g. In January 2017, I flew to Manila not to carry out President Duterte’s engineered evil plan to assassinate then Sen. Trillanes, but to expose Duterte publicly.”
Maaaring sabihin sa isang pangungusap ang salaysay ni Lascanas: Iniutos ni Duterte ang pagpaslang kay Trillanes; si Bong Go ang nagbaba ng utos ni Duterte at nag-alok ng kontrata para patayin si Trillanes; tumanggi ang mga DDS operatives sa kontrata na patayin si Trillanes dahil hindi nila kabisado ang Metro Manila; at hindi natuloy na paslangin si Trillanes.
Mas lilinaw iyan kapag dumating ang paglilitis at sumailalim ng cross examination sina Bong Go at iba pang opisyal ng pulisya na sangkol sa DDS. Mananatiling alegasyon ang mga sinabi ni Lascanas sa affidavit. Walang krimen na naganap dahil hindi natuloy ang proyekto.
***
SINO si Arturo Lascanas? Sa kanyang affidavit, ipinakilala ni Lascanas ang sarili bilang isang retiradong police officer na kasapi ng Philippine National Police mula ika-16 ng Abril 16, 1982 hanggang ika-16 ng Disyembre, 2016, o kabuuan na 38 taon. Itinalaga siya sa Davao City Mayor’s Unit na okupado noon ni Mayor Rodrigo Duterte “I was one of the original members of the Davao Death Squad that was founded by then Mayor Rodrigo Roa Duterte on 1988,” ayon sa kanya sa affidavit.
Binanggit ni Lascanas ang “original” na mga kasapi ng DDS: Police Chief Inspector (Major) Ernesto Macasaet; Senior Police Officer 4 Desiderio “Dick” Cloribel; Senior Police Officer4 Fulgencio Pavo; Senior Police Officer4 Bienvenido Laud; Senior Police Officer3 Jeremias Baguhin; Senior Police Officer2 Teodoro Paguidopon; Police Officer Arturo Bariquit Lascanas; at Police Officer1 Jun Naresma. Regular members sila ng Davao City Police Office na nakatalaga sa Duterte’s office, “Mayor’s Unit,” na pinangalanan na “Anti-Crime Task Force,” ani Lascanas.