Lotlot at Monching balik-tambalan makalipas ang 20 taon; Christi pinagpatuloy ang pagkanta dahil sa PMPC
Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SINA Adele at Meghan Trainor ang nagsilbing inspirasyon ng female singer na si Christi Fider upang huwag sumuko sa kanyang pangarap na maging mang-aawit.
Nagkaroon kasi ng struggle si Christi tungkol sa kanyang pangangatawan, sa kanyang timbang to be more specific, kaya muntik na siya huminto sa pagkanta.
Pero sa tulong ng Philippine Movie Press Club (at inspirasyon mula kina Adele at Meghan na kapwa slim na ngayon), dahil sa nominasyon na ibinigay sa kanya ng naturang grupo ng mga showbiz reporters, ipinagpatuloy ni Christi ang pagkanta.
Oktubre nitong nakaraang taon, bukod sa naging nominado ay nagwagi si Christi sa 13th Star Awards for Music bilang New Female Recording Artist Of The Year para sa kanta niyang “Teka Teka Teka” sa ilalim ng Star Music.
Ngayon ay malayo na ang nararating ni Christi, sa katunayan ay isinalin na niya ang titulo niyang Bubble Gum Pop Princess sa baguhang si Shira Tweg.
Sa tanong kung bakit isinalin na niya ang naturang korona, sinabi ni Christi na hindi na siya Princess, “reyna” na siya ngayon, na ang tinutukoy ay ang bago niyang kantang “Ako Ang Reyna Ng Mundo Ko” na siyang official theme song ng Mudrakels, ang bersyon ng ABS-CBN ng Drag Race.
Samantala, si Shira ay may bonggang partisipasyon sa Kahit Maputi Na Ang Buhok ko na musical film tungkol sa buhay ng music icon na si Rey Valera.
Gaganap dito si Shira bilang teen Sharon Cuneta na naging bahagi rin ng musical journey ni Ginoong Valera.
Ipalalabas ang pelikula bilang entry sa Summer Metro Manila Film Festival sa April.
Produced ng Sarangggola Productions ni Ms. Edith Ferrer, bida rito si RK Bagatsing bilang Rey Valera.
Nasa movie rin ang mahal kong anak-anakan na si Lotlot de Leon na nakakaaliw ang role sa pelikula.
Samantala, sa merienda cena na inihanda ng Saranggola Productions para sa PMPC ay dumating din si John Arcilla na tinanghal namang Best Actor para sa Suarez, The Healing Priest sa katatapos lamang na 37th Star Awards For Movies.
Bukod dito ay nanalo rin bilang Indie Movie Original Theme Song Of the Year ang kantang “Yakapin Mo Ako” na theme song ng pelikula na interpreted din ni John; live nga na kinanta ni John ang naturang winning song sa meriende cena kahit medyo malat si John.
Speaking of Ms. Edith Fider, isa siya, along with Manila City Mayor Honey Lacuna at Vice-Mayor Yul Servo sa mga moving forces sa likod ng nagbabalik na The Manila Film Festival.
***
TUNGKOL pa rin kay Lotlot de Leon, regular na napapanood si Lotlot sa The Write One na gumaganap sila ni Ramon Christopher bilang mga magulang ni Ruru Madrid.
Dalawampung taon na ang nakalilipas mula noong huli silang maging magkapareha sa isang proyekto.
Ano ang naging reaksyon ni Lotlot nang malaman niya na mag-asawa sila ni Monching sa The Write One?
“Actually you know it’s always a blessing to have a project but it’s a double blessing if you’re working with the right people.
“And kung maganda yung outcome ng project. And when it was presented to me and I heard about the story I said why not?
“And then they said Mon was going to be there and I said why not?
“And it’s been twenty years this year since we’ve done anything together onscreen.
“And it’s so nice to be able to work with all these young actors and our production, our director, na sobrang nakalatag lahat yung plano nila, ang ganda!
“Ang ganda lang lahat, smooth-sailing lahat, everything was smooth and prior to this project naman, we have four children in between us. We never had a problem. This is actually a blessing. Masayang masaya lahat ng anak namin that we’re together in this project.”
Nasa The Write One rin sina Bianca Umali, Mikee Quintos, Paul Salas at marami pang iba.
Umeere ito sa GMA Telebabad at napapanood din sa VIU Philippines.
Ito ay sa direksyon ni King Mark Baco