Advertisers
NANGAILANGAN lang ng 67 minuto ang defending champion College of Saint Benilde para ilampaso ang Jose Rizal University,25-10,25-21,25-13, at makarating sa Finals sa ikalawang dikit na season sa NCAA Women’s volleyball tournament Linggo sa San Andres Sports Complex.
Tumipa si Gayle Pascual ng 16 points, Zamantha Nolasco may 5 blocks at three service aces at 10 points, habang si Michelle Gamit umiskor ng 10 points on 9-of-16 attacks para sa Lady Blazers.
Ang Benilde ay nagwagi ng 27 sunod-sunod na laban simula 2020 season na natigil dahil sa Covid-19 pandemic.
Mycah Go, last season MVP at naging isa sa assistant coach ni Jerry Yee ngayon taon ay masaya na makita ang Lady Blazers na makamit ang unang hakbang makasungkit na naman ng panibagong titulo.
“Masaya kasi siyempre next na trabaho namin iyon eh. Next na goal namin iyon. Siyempre, eliminations muna then Finals. Ayun, nakahinga na rin kami na umabot na rin kami sa Finals. Finals na lang iisipin namin and isang team na lang,” Wika ni Go.
Pinatalsik ng Men’s title holder University of Perpetual Help System Dalta angMapua, 23-25,23-25,25-19,25-17,15-4, para makapasok sa Finals.
Kumamada si Louie Ramirez ng career-high 31 points,kabilang ang match-clinching spike na kumumpleto sa Alta’s fifth-set domination, sinibak ang Cardinals sa Final Four race. kumana ng three blocks at eight receptions.
Kinumpleto ng Perpetual ang double victory matapos makalawit ng kanilang women’s team ang No.2 ranking sa semifinals 25-16,25-19,25-17, pagdurog sa Mapua.
Mary Rhose Dapol at Shaila Omipon umiskor ng tig-13 puntos,habang si Janine Padua nagdagdag ng 11 point, at setter Jhasmine Sapin kumana ng 12 excellent sets at pantayan ang two service aces ni Omipon para sa Lady Altas.
Kumalas ang Mapua sa Lyceum of the Philippines na magkasosyo sa third at fourth spot na parehong 6-3. Ang dalawang Intramuros -based squads ay mag face-off sa unang stepladder match sa Linggo, na ang mananalo ay makakatous ang Perpetual sa isa na namang knockout para sa natitirang Finals berth sa Marso 29.