Advertisers

Advertisers

P170K shabu nasamsam sa buy-bust sa Sampaloc

0 189

Advertisers

KULONG ang isang 24-anyos na tulak ng iligal na droga nang masakote sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 (MPD-BPS-14), Sabado ng gabi sa P. Campa Street, Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang nadakip na si Jomar Usman alias “Amo”, tubong Cotabato City, at nakatira sa Globo De Oro Street, Golden Mosque Compound, Barangay 304, Quiapo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station Commander, naaresto si Usman 7:40 ng gabi sa Barangay 642.



Sa ulat, itinuro ng impormante si “Amo”, bago dinampot ng mga operatiba, matapos nagpositibo ang test buy sa tulak.(Joseph Elias Bontogon – OJT)