Advertisers
NAGHARAP ng P25.5 bilyong tax evasion case ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa apat na “ghost” corporations kaugnay ng pagbebenta ng mga pekeng resibo.
Sa social media post ng BIR, binanggit ni Commissioner Romeo Lumagui, Jr. na isinampa sa Department of Justice (DOJ) ang kasong paglabag sa Sections 254, 255 at 267 ng National Internal Revenue Code of 1997 kamakailan.
Nag-ugat ang kaso laban sa apat na kumpanya matapos salakayin ng BIR ang isang condominium unit sa Quezon City noong Disyembre 2022 kungsaan nasamsam ang libu-libong pekeng resibo.
“After the raid, subsequent investigation showed that these ghost corps do not have any legitimate business activity. The companies were only established for the sole purpose of selling fictitious sales invoices and/or receipts to their buyers for the latter’s claim of false and anomalous purchases. As a result of these companies’ fraudulent tax schemes, the government is losing an estimated total deficiency income tax amounting to P17.63 billion and total deficiency value added tax amounting to P7.91 billion, for taxable years 2019-2021, inclusive of surcharges and interests,” dagdag pa ng opisyal.