Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
GUSTO nang tumigil sa pagkanta ng Star Magic artist na Christi Fider sa industriya ng musika dahil sa health condition.
May Adenomyosis na isang hormonal imbalance na kahit anong paraan para magpapayat ay hindi magiging epektibo.
“Yeah, I wanted to quit na talaga sa pagkanta. Pero biglang kinuha ako ng dating grupo namin na Adobers Studios ng ABS CBN. Ni-revive nila yung grupo namin, “pagtatapat ni Christi sa Thanksgiving ng Saranggola Media Production.
Sa nakaraang Star Awards for Music ay pinangaralan si Christi na Best New Female Recording Artist para sa kantang Teka, Teka, Teka na sinulat ni Direk Joven Tan.
“Because of my recent award from PMPC na-encourage ulit akong kumanta, I was given the chance to record an EP (extended playlist) album. Yung career single ko titled Reyna ang ginawang theme song ng bagong show ng ABS-CBN sa YouTube na tungkol sa mga drag queens na ang title ay Mudrakels,” say ni Christi.
Nangako si Christi na hindi na siya magiging conscious sa kanyang hitsura kesehodang madagdagan pa ang kanyang timbang.
“2022 has been very challenging for me. At the beginning of the year I was very optimistic na I`m gonna own it. My goal was to be skinny because I felt like people will love me more.
“I tried every diet that I could of, I tried slimming pills, tea, basta lahat na. Still nothing happened. The most depressing part about it is that even if you`re trying so hard, people are still gonna comment as if you`re not doing anything.
“So my day always end up me crying, then the next day I`m gonna hinge and make up for the days na hindi ako kumain.Then I found out I have PCOS and Adenomyosis that`s why I`m not losing weight.
“In 2023, my goal isn`t to be skinny anymore but to be healthy and confident, I`m still in the process of loving myself, but I can say that this journey wouldn`t be hard because I`m surrounded by inspiring people,” pahayag ni Christi.
Samantala, ang mother dear ni Christi na si Edith Fider na producer ng Saranggola Media Production ay masayang-masaya dahil ang pelikula nilang Kahit Maputi na Ang Buhok ay nakapasok at napili sa Manila Film Festival.
“Actually, hindi namin inaasahan na mapapasama kami sa MFF. Ginawa namin ang Kahit… para sa MMFF pero hindi nakapasok. Aaminin ko nalungkot ako, pero wala kaming magawa kundi tanggapin ang naging pasya ng mga hurado sa MMFF,” say ni Madam Edith.
***
KILIG ang first guesting nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa Fast Talk with Boy Abunda.
Hindi ka lang kikiligin sa kanilang mga sagot kundi pati sa kanilang mga kilos. Tinginan pa lang ay sapat na, obvious na talagang mahal nila ang isa‘t isa.
Tanong ni Kuya Boy kay Rayver kung ano ang nagustuhan niya kay Julie Anne. Ang sagot ng actor, “Everything, Tito Boy. she`s my world” sabay titigan nilang dalawa.
“Very loving” naman ang sagot ni Julie Anne sa naturang tanong.
Maging si Kuya Boy ay napansin din ang malagkit na titigan ng dalawa at nagkomento, “Alam mo, iba kayo magtinginan, huh!”
Tanong uli kay Rayver kung ano ang tawag niya kay Julie Anne. Sagot ng actor, “Jules, pero sa totoo lang, Tito Boy, ang tawag ko sa kanya, “My Love.”
Si Julie Anne naman ang tinanong, “Pumpkin” at “Love” raw ang kanyang tawag kay Rayver at sabay sila nagtawanan.
Ang pinaka-killer na tanong sa dalawa, “Sino si Julie/Rayver sa buhay mo?”
“Siya lang ‘yung nag-iisang babae sa buhay ko ngayon, Tito Boy,” sagot ni Rayver.
“Importante at mahal ko,” sagot naman ni Julie Anne.
Pero hindi pa doon natapos ang tanungan dahil sa huli ay nagbigay ng mensahe si Kuya Boy sa dalawa. Dito na sinabi ni Rayver na sure na siya na si Julie Anne ang gusto niyang makasama habambuhay.
Sabi ni Rayver, “Gusto ko lang sabihin sa `yo na this is it. Kung `di mo man alam, pero I`m getting ready kasi ikaw na talaga yung nakikita ko na makakasama ko habambuhay.”
Dagdag na paliwanag pa niya, “Noon kasi, nagre-ready ako for myself, Tito Boy. But now, I`m getting ready para sa mga future plans ko and future ko with her.”
Maigsi at simple lang ang naging mensahe ni Julie Anne kay Rayver.
Aniya, “Basta kung nasa`n ka, du`n ako.”
Dahil dito ay talaga naman umapaw ang kilig ng mga netizen sa comment section.
“I was smiling the whole time watching this interview live on TV, tapos ngayon sa YT. Salamat.”
“Grabe…hindi ako kinilig for the longest time, ngayon na lang uli !!! I can`t get over this interview,” comment naman ng isa pang viewer.