Advertisers

Advertisers

RICE CARTEL WASAKIN!

0 231

Advertisers

Nananawagan ang ilang grupo na ipawalang-bisa ang liberalisasyon ng bigas at wasakin ang rice cartel para makamit P20 na presyo ng bigas.

Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng grupong Bantay Bigas, binigyang-diin nito na hangga’t nasa ilalim ng liberalisasyon sa agrikultura at nananatili ang Republic Act No 11203, o Rice Liberalization Law, na nagreresulta ng pagdami ng exported/imported na bigas sa Pilipinas ay hindi makakamit ang P20 na presyo ng bigas kada kilo.

Giit pa ni Estavillo, hangga’t mataas ang cost of production ng mga magsasaka, mahirap na makamit ang sinasabing P20 kada kilo.



Dagdag pa, kasabay aniya na inihayag ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., na malapit nang makamit ang P20 na kada kilo ay ang pagsirit ng presyo nito sa ilang pamilihan.

Ito ay base na rin sa patuloy na pag-monitor ng Bantay Bigas, na nagkaroon ng dagdag kuwatro (P4) pesos sa presyo kada kilo.

Tila pambabastos ito ng mga rice traders/retailers sa pronouncement ni Pangulong BBM.

Bakit parang sinasabotahe ng mga stakeholders sa larangan ng agrikultura ang bawat isinasagawang hakbangin at plano ng Pangulo?

May mafia nga bang gumagalaw sa Department of Agriculture (DA) na di kayang salingin ng mismong presidente ng bansa?



Mula sa issues ng asukal, sibuyas, bawang hanggang bigas ay kayang manipulahin ng sindikatong ito na may kaugnayan sa importations at exportations.

Mga smugglers ito in “high places” reaching as far as Malacanang.

Kung ganitong sa pet program ni PBBM sa “food security” ay may malaking balakid, malala talaga ang problema.

Lalong lalala Ang sitwasyon kung itutuloy ng isang maimpluwensiyang babae dyan sa Malacanang na ipagpilitang i-appoint si Mar Roxas bilang Kalihim ng DA.

Susmarya Joseph naman,hayaan nyo na pong tuluyang manahimik itong mister ni Korina Sanchez please!

Busy na po si Mar Roxas ngayon sa panggagantsilyo hehehe!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com