Advertisers

Advertisers

Seth nakukyutan ‘pag sinusungitan ni Francine

0 193

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA vlog na Tess Tube ng beteranang aktres at komedyanteng si Tessie Tomas, natanong nito ang “Dirty Linen” co-star na si Seth Fedelin tungkol sa challenges ng role nito bilang Nico Sinag sa kanilang pinag-uusapang teleserye.
Ayon kay Seth, hindi raw naman siya kumukuha ng peg sa kanyang role pero mahilig daw siyang manood ng Hollywood films kung saan nakakapulot siya ng tips pagdating sa acting.
Isa raw siyang old school kaya naman favorite actors niya sina Johnny Depp, Leonardo DiCaprio at Denzel Washington.
Nausisa rin siya tungkol sa pinagsimulan ng loveteam nilang FranSeth ni Francine Diaz.
Aniya, 2019 pa raw ay magkakilala na sila ng love team partner.
Katunayan, malapit lang daw ang house nito sa tinutuluyan nilang house.
Hirit pa niya, itinuturing daw niyang best friend si Francine among his peers sa showbiz.
Sey naman ni Tessie, mutual daw kaya ang tingin sa kanya ng Kapamilya actress.
Pabiro namang sagot ni Seth: “Baka nga crush niya ako, eh.”
Dagdag pa ni Seth, kung meron man daw siyang nagustuhan kay Francine, ito raw ay pareho sila ng pinagmulan at pinagdaanan bago pa sila naging mga artista.
Malaking factor din daw na pareho silang family-oriented at inuuna muna ang kapakanan ng kanilang mga pamilya.
Inamin din niya na nakyukyutan daw siya kapag ‘sinusungitan’ na siya ng love team partner.
Naitanong din sa kanya ng veteran actress kung may balak ba silang dalhin sa next level ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.
Aniya, aware raw naman silang pareho sa kanyang mga prayoridad sa ngayon pero hindi naman niya isinasara ang posibilidad na mauwi sa romansa ang kanilang friendship sa takdang panahon.
“Sinabi ko sa kanya na kung dalhin man tayo ng panahon o ihip ng hangin doon sa mga gano’ng sitwasyon ng buhay, siguro ‘yun na ‘yung panahon. Pero sa ngayon hindi pa, eh,” tsika ni Seth.
Naurot din siya sa pagkakahawig niya at minsa’y akusang ginagaya niya si Daniel Padilla.
Ani Seth, ilang beses na raw niyang klinaro noon na hindi niya kinokopya si DJ lalo pa’t kaibigan niya ito.
Gayunpaman, hindi naman niya ikinaila na pangarap din niyang magkaroon ng blockbuster movies tulad ng mga nagawa ng kanyang idol.