Advertisers

Advertisers

WALANG TIGIL NA PAKIKI-ALAM

0 155

Advertisers

MAAARING ‘nai-freezer’ ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ngayon. Pero ang mga natitira at laging nandiyan para ipaglaban ang bayan sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ay naririto pa rin.

Mangyari kasi, mga kababayan ko, ang mga komunistang-teroristang ito ay umi-epal na naman. Lahat na lamang ay pinakiki-alaman para sila ay mapag-usapan at mag-sabing sila ang tama.

Gaya na lamang nitong insidente na naman ng hazing kung saan isa na namang kabataan ang napatay dahil sa panggugulpi ng mga kasama sa kapatiran.



Umentra dito ang komunistang-teroristang Partylist na Alliance of Concern Teachers o ACT. Sabi ng representate nito, dapat daw ay ibasura na ang muling pagsasabatas ng Reserve Officer’s Training Course o’ ROTC.

Mga teacher pa namang naturingan ang partylist representation na ito. Hindi nag-iisip basta pasok na lang nang pasok para magpabida lang.

Loko, nasopla tuloy sila ng chairman ng National Youth Commission, kung saan tinanong nito, kung ano ang koneksiyon ng ROTC sa mga fraternity. Hindi nga ba, ang intensiyon ng ROTC ay sanayin ang ating mga kabataan partikular na ang mga kalalakihan sa mga kolehiyo at unibersidad na maging disiplinado gaya ng mga unipormado nating mga alagad ng batas at kawal.

Inihahanda rin ng ROTC ang kabataan nating kalalakihan na maging tropa ng pamahalaan. Mapasabak man tayo sa digmaan o’ panahon ng kalamidad.

Ano nga naman ang kaugnayan nito sa fraternity na taon-taon ay may napapaslang dahil sa initiation rites nilang tinatawag na wala naman talagang saysay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">