Advertisers

Advertisers

2 Pinay na biktima ng human trafficking, napigil ng BI

0 187

Advertisers

NAPIGILAN ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pag-alis ng dalawang Pinay patungong Africa. Ang dalawa ay hinihinalang biktima ng human trafficking.

Sa isang pahayag, sinabi ni  BI Commissioner Norman Tansingco na ang mga biktima ay naharang sa  NAIA Terminal 1 nitong Marso 7 habang pasakay ng eroplano patungong Kuala Lumpur.

Sinabi ni Tansingco na  inamin din sa kanya ng mga pasahero na magta-transit lang sila sa Malaysia dahil ang  final destination nila ay Democratic Republic of Congo sa Central Africa.



Sinabi pa ng mga ito na sila ay  iligal na kinuha para magtrabaho bilang mga household workers ng isa ring Filipina na nagtatrabaho bilang “mayordoma” ng mayamang mag-asawa sa Congo.

Sinabi ni Tansingco na ang BI ay masigasig at matiyaga sa kanilang tungkulin upang mabantayan ang mga kababaihan na makaalis ng bansa bilang  Filipino migrant workerd nang walang kaukulang overseas employment permit mula sa pamahalaan.

“These victims were enticed by promises of big salaries, however by going through these illegal means, they are of higher risk for abuse and exploitation,” giit ng BI chief.

Nagbabala din siya sa mga miyembro ng sindikato ng human trafficking na hindi uubra ang kanilang mga istilo na nagpapaalis ng mga biktima na nagkukunwaring mga turista.

“Our officers at the airport are proficient in detecting this old scheme.  So it is highly unlikely that they will pass our counters unnoticed,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)