Advertisers

Advertisers

BI officer sibak sa human smuggling sa NAIA

0 147

Advertisers

IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na sinibak na sa pwesto ang Immigration officer na sinasabing sangkot sa human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Pebrero 13 habang hinihintay ang resulta ng internal probe na kanilang inilunsad.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco sa pagpapatuloy ng Senate blue ribbon committee probe sa insidente, ni-relieve nito ang nasabing immigration officer sa kanyang assignment sa Region IV intelligence office kungsaan kasalukuyang inilipat ito sa administrative division ng kanilang main office.

Nang matanong kung ang immigration officer na si Jeff Pinpin nasa floating status, sinagot ni Tansingco na nakabinbin pa ang resulta ng administrative investigation laban dito kungsaan hinihintay ang resolusyon mula sa Board of Discipline kung ito ay pormal na makakasuhan o hindi.”



Sa unang bahagi ng pagdinig, ginisa ni Senate blue ribbon committee chairman Francis Tolentino si Pinpin dahil sa kanyang sinumpaang salaysay, na inamin na tinulungan niya si Glenn Ivan Juban, isa pang opisyal ng BI na sangkot sa umano’y human smuggling, matapos niyang marinig ang pag-uusap ng mga kapwa opisyal na naroon hinggil sa isyu ng special flight noong Pebrero 13.

Ngunit ibinunyag na “transitioning” na ni Pinpin sa petsang iyon nang mangyari ang insidente.

Sinabi ni Pinpin na hiniling niyang ilipat mula sa NAIA sa intelligence unit ng BI sa Rehiyon IV dahil sa medikal na dahilan noong Pebrero 9. Ngunit sinabi ni Tansingco na dapat ay umalis na si Pinpin sa kanyang puwesto noong Pebrero 9 kaya’t hindi siya dapat nasa dati niyang puwesto noong Pebrero 13.

“When we got the information… he was seen in the tarmac on February 13, we immediately issued to him a show-cause order to explain why he was there,” ani Tansingco.

Depensa ni Pinpin, ipinaliwanag nito na ginawa pa rin niya ang kanyang tungkulin bilang deputy chief for monitoring dahil wala pa siyang kapalit.
Tinapos ng Senate blue ribbon committee nitong Lunes ang imbestigasyon nito sa naganap na isang insidente noong Pebrero 13 kung saan nakaalis sa NAIA ang isang private aircraft na magsasakay lamang sana ng anim na pasahero ngunit napag-alamang may lulan ito na 14 katao.