Advertisers

Advertisers

HUMAN RIGHTS DEFENDERS’ BILL DI NA KAILANGAN

0 161

Advertisers

DIINAN ko muna ang ipinaggigiitan ng mga nagsusulong ng House Bill No. 77 o’ ang “Human Rights Defenders Protection Act”, dahil sa aking pananaw ay di na kinakailangan nito.

Sabi nga ng mga nakasama ko sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bukod sa dinodoble lang nito ang mga naunang mga naipasang batas, pipigilan pa nito ang mga batas na gaya ng Anti-Terrorism Act, ang naamiyendahang Anti-Money Laundering Law at ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.

Sabi ng NTF-ELCAC Legal Cooperation Cluster, ang demokrasiyang matagal nang umiiral sa bansa ay may sapat nang paggalang sa karapatang pangtao. Mismong ang Bill of Rights nga raw na binalangkas noon pang 1987 ay kumpleto na sa pagbabantay ng karapatang pangtao ng bawat Filipino.



At ang House Bill (HB) No. 77 o’ “Human Rights Defenders’ Protection Act” (HRDPA) ay isang balakit lamang sa malayang pamumuhay sa ilalim ng demokrasiyang ating tinatamasa.

Sino ba ang mga nagtutulak na maisabatas ito? Hindi ba mga kaalyado sila ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF? Na ang tanging motibo ay protektahan ang isa’t isa sa kanila. Kung ganun, hindi para sa lahat ang panukalang batas na ito.

Tanging makikinabang ay mga CPP-NPA-NDF at mga kaalyado nilang mga mambabatas at mga organisasyon gaya ng
Karapatan, FLAG, PAHRA, at NUPL.

Bukod diyan, mahaharang nito ang kagustuhang mai-ahon ang mahihirap nating kababayan sa kahirapan sa pagpapatupad ng tinatawag na ‘whole of nation approach’, kung saan nagsasama-sama ang lahat ng sangay ng pamahalaan para maiaangat ang pamumuhay sa pamamagitan ng Barangay Development Program (BDP), halimbawa na lang.

Kaya binabalaan ko kayo, mga kababayan ko, ang panukalang batas na ito ay mapanlinlang at di dapat payagang maisabatas, lalo na ngayong nabanggit ko na sa inyo kung sino lamang ang makikinabang dito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">