Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
ANG tagal ding hindi napanood si Alden Richards sa Eat Bulaga. Timing, may internal problem Ang EB at nasabi pa ng aktor na kapag umalis ang Tito, Vic and Joey ay aalis din Siya.
E, paano na Ang TV career ni Alden? Sa totoo lang ang daming nakalinyang projects ang Kapuso Network pero wala tayong nabalitaang may proyekto siya. Huling serye niya ay katambal si Bea Alonzo. May Sparkle talents ang GMA7, may talents from ABS-CBN na gumagawa ng serye.
Sey Ng iba, sinadya ni Alden mag-lielow sa kanyang career. Yes, right decision ang bumalik siya sa EB at malaking factor kapag araw-araw napapanood. Basta, nanghihinayang tayo sa karir ni Alden. Kailan din kaya siya magkakaroon ng serye o pelikula? Ayaw kong isipin na palaos na siya no!
***
ANO ba, bakit kayo nangingialam sa love life ni James Reid?
E, ano kung si Issa Pressman ang new girl of his life? Matagal na silang hiwalay ni Nadine Lustre and obviously, very happy na ito sa kanyang foreigner boyfriend.
Maging ang JaDine fans ay nakikisawsaw sa isyu. Maging ang zoom conversation nina Nadine, Iza Calzado at Tim Yap ay nagmukhang cheap. Kalowkah e ano mahihita nila sa pagsawsaw sa pag-ibig ni James.
Ow, ayan Ang dami ninyong haters. Naku, kahit may past love affair si Issa with another girl, wala tayong paki, mismong si James ay tanggap siya at mahal na mahal niya ang sis ni Yassi.
***
First Summer MMFF, sana kumita
SA Abril 1, parada ng mga artista para sa First Summer Metro Manila Film Festival. Sa Black Saturday ang simula ng pagpapalabas ng mga pelikula.
Ilan sa entries ang nag-presscon na o babawi sa premiere night (sabay presscon, para tipid sa venue and food). Yung ibang entries ay walang kalidad as in di pang-pestibal. Ewan ko naman sa MMDA, bakit ang mga pelikulang Pinoy ang pinagkakaabalahan nila. Ayusin na lang nila ang trapiko sa buong Metro Manila.
Aminin, gusto ng mga kababayan nating manood ng pelikula thru live streaming menos tipid sa pamasahe at lafang kapag nagutom sa panonood.