Advertisers
Pinuri ng mga mamamayan ng Mindoro at samahan ng asosyon ng guro at magulang si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves Jr., dahil sa agarang tulong laban sa oil spill sa Mindoro kahapon.
Naging problema ng mga taga-Mindoro ang oil spill sa kasalukuyan kaya agad dumulog ang Parent-Teacher United Advocates Association of the Philippines Inc. (PTUAAP Inc.) sa Teves Cares radio program na “Aksyon, Tulong, Solusyon!” sa DzRH.
Bagamat may kinahaharap na problema kung saan ito ay ginigipit sa walang basehang paratang, hindi nag atubili ang mambabatas na bukas palad tumulong.
Kahit nasa ibang bansa para sa seguridad laban sa banta sa buhay, nagsabi agad ito sa kaniyang staff na tugunan ang liham ng PTUAAP Inc. na pinadala via e-mail.
“Maraming salamat po kay Cong. Arnie Teves Jr ng Teves Cares at sa aking mga kasamahan aa PTUAAPI na nagkaloob ng tulong upang mabigyan ng clean drinking water ang mga mag aaral na malapit sa mga baybayin ang mga paaralan na apektado ng oil spillage,” pahayag ni PTUAAP Inc. National officer Gilbert Matchimura.
Dahil sa mabilis na aksyon, nagkaroon ng seguridad ang mga mag-aaral sa banta ng delikadong mainom na tubig at kakulangan nito.
Ilan sa mga nakatanggap ay ang mga mag-aaral sa Silonay Elem School, Maidlang Elem School, Villa Antonio Elem School, Navotas Elem School, Teresa C. Montellano Memorial School, Wawa Elem School, Arturo Arce Ignacio Elementary School at iba pa.
Sa ngayon, libo-libong taga-suporta sa buong bansa ang umaasa at nananalangin sa kaligtasan ni Rep. Teves sa kabila ng pangigipit ng ilang masasamang impluwensya.