Advertisers

Advertisers

‘Seal of Good Housekeeping’ ng Manila sa liderato ni Mayora Honey

0 226

Advertisers

TUMANGGAP ng ‘Mark of Recognition’ ang city government ng Manila sa liderato ni Mayora Honey Lacuna at ito ay para sa mahusay na paghawak sa kaban ng bayan.

Ang pagkilala ay ibinigay sa lady mayor ng Department of the Interior and Local Government sa pamamagitan ng kinatawan nitong si John Visca, na nagsabing ang rekognisyon ay ibinigay sa lungsod sa ilallim ng pagrenda ni Lacuna at pumasa sa 2022 good financial housekeeping assessment.

“Ito po ay katunayan na sa unang pagkakataon, ang lungsod ng Maynila ay pumasa sa ‘seal of good housekeeping,” sabi ni Visca habang ipiniprisinta ang pagkilala sa regular flagraising ceremony nitong Monday.



Idinagdag pa nito na : “Ito po ‘yung katunayan na ang nakaupo (Mayor Lacuna) ay matino at mahusay sa paghawak ng ating pananalapi. Lahat ng documents ay maaring ma-access ng publiko.”

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Lacuna na ang pagkilala ay magsisilbing inspirasyon upang higit pang magsikap at umaasa rin siya na ganito rin ang gagawin ng kanyang mga co-workers sa City Hall.

Iginiit ng alkaldee na pagdating sa pondo ng siyudad, siya at ang kanyang mga kapwa opisyal ay napakaingat at tinitiyak na mahusay at episyente nila itong nagagamit ang pera ng taumbayan.

Ayon pa kay Lacuna, ang kredito ay ‘di lamang para sa kanya kundi sa lahat ng opisyal at kawani ng City Hall na nangangasiwa ng pondo pamahalaang lungsod upang ito ay nasa ayos sa lahat ng oras.

Binigyang diin pa ni Lacuna na ang accomplishments ng kanyang administrasyon pati na ang pagkilala at karangalan na kanilang natatanggap ay dahil sa suporta at tulong ng lahat ng city government employes at officials.



“Hindi po natin makakamit ang mga bagay na ito nang ako lamang mag-isa kaya salamat sa aking mga kasamahan sa City Hall at nawa ay magsilbing inspirasyon ang mga parangal na kagaya nito para higit pa nating pagbutihin ang ating trabaho sa araw-araw,” sabi ni Lacuna. (ANDI GARCIA)