Advertisers

Advertisers

Angel purdoy na kaya nagbebenta ng mga ari-arian?

0 175

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

BUHAT nang mag-asawa si Angel Locsin, lumamlam ang kanyang syobis career. Mrs Neil Arce na siya e kitang kita ang kasiyahan sa kanyang mukha, kapansin-pansin ito sa kanyang vlog. Bagama’t di siya aktibo sa pag-aartista ay patuloy ang kanyang kawanggawa. Deadma si Angel sa mga pumupuna sa kanyang pagiging dabiana.
May kumakalat na isyu na siya ay naghihirap na dahil nagbebenta na raw siya ng mga ari-arian at pati yung building niya ay balak daw ibenta.
May isang netizen na nagtanggol sa mag-asawa na di totoo raw true na purdoy na si Angel kaya nagbebenta ng ari-arian. Huwag daw isisi kay Papa Neil na maluho sa kanyang pamumuhay.
Sa true, mayaman ang pamilya ni Neil, huh!
Sa estado naman ng karir ay nag-lielow siya dahil gusto niyang maging plain housewife. Sa paglusog ng kanyang katawan ay dahil ito sa gamot na kanyang iniinom buhat nang inoperahan sa kanyang slip disc.
Kayong mga marites, tigilan na ang pag-iimbento ng tsika. Tigilan na, inggit much, no!
***
CHERRY JING, HAPPY
BIRTHDAY
Kaya patuloy na may Birador sa Radyo over dwbl 2242khz tuwing Linggo 5:30pm, napapanood din sa FB live at YT channel dwbl admin, dahil sa suporta nina Sir Herzon at M’am Vangie Castillejo, Cabatuan mayor Pamyong Garcia at kanyang maybahay, Mayora Demi, bossing JayAr Panaga, Sakura Amusement, Ac Domingo, Cabaltera family.
Ang inyong lingkod ang ka-tandem ni Cherry, Vice Pres. ng Isabela Police Provincial Office-Press Corps. Isang maligayang pagbati sa iyong kaarawan. Mula sa pahayagan ng Police Files Tonite at pamunuan ng FBS/Dwbl. Hangad naming manatiling malusog at maraming biyaya pa ang dumating at marami ka pang matulungan KAPatid.