Advertisers

Advertisers

Paul nagtapat, ang gf na si Mikee ang nakaalis ng trauma

0 196

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISANG parangal ang natanggap ni GMA Integrated News Pillar at 24 Oras anchor Mel Tiangco mula sa 7th Gawad Bagani sa Komunikasyon ng University of the East-Caloocan.
Inihandog sa kanya ang Gawad Bagani sa Larangan ng Telebisyon bilang pagkilala sa kanyang husay sa larangan ng public service.
Napili ang awardees ng Gawad Bagani sa Komunikasyon sa pamamagitan ng survey na isinasagawa ng UE Caloocan.
Nilalahukan ito ng mga estudyante, guro, at faculty ng unibersidad pati na mga residente sa ilang piling barangay sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Ito ang pangatlong pagkakataon na ibinigay kay Tiangco ang parangal na ito na natanggap na niya noong 2016 at 2018.
Si Ms. Mel ang host ng Magpakailanman na napapanood tuwing Sabado sa GMA, alas otso ng gabi.
***
PROUD na ibinahagi ng aktor na si Paul Salas sa Fast Talk with Boy Abunda kung paano siya natulungan ng kanyang girlfriend na si Mikee Quintos na ma-overcome ang kanyang trauma sa pakikipagrelasyon.
Sa episode ng nasabing programa ngayong Huwebes, game na sumalang sina Paul at Mikee sa isang panayam kasama ang TV host na si Boy Abunda.
Dito ay ibinahagi ni Paul na matagal na pala siyang may trauma sa pakikipagrelasyon dahil sa naging paghihiwalay noon ng kanyang mga magulang pero unti-unting niya itong na-realize nang makilala ang nobya na si Mikee.
Kuwento niya, “So noong time po na pumapasok si Mikee sa buhay ko, ito ‘yung time na masasabi kong doon ko siya ni-love dahil sa understanding niya sa akin, sa patience niya sa akin, dahil ‘yung past traumas ko po alam kong hindi nag-work si dad and mom, love ko sila both, alam kong kahit may konting bias ako noong time na ‘yun noong bata pa ako, ngayon alam kong both silang nagkamali doon kung ano man ‘yung naging sitwasyon na ‘yun.”
“So dumaan po sa akin ‘yung trauma na, kapag iniiwan ng ka-relationship like sa girlfriend and all, so hindi ko po alam ‘yun hanggang sa nakilala ko [si Mikee] at parang siya pa ‘yung nakakakita no’n sa akin,” dagdag pa niya.
May 2022 nang mag-umpisang maging bukas sina Paul at Mikee patungkol sa kanilang relasyon hanggang sa tuluy-tuloy na ang kanilang pagbabahagi sa publiko ng kanilang sweet photos together.
Samantala, kasalukuyang mapapanood sina Paul at Mikee sa GMA Primetime series na The Write One kasama ang kanilang kapwa celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.
***
MAG-iisang buwan na nang mag-premiere ang drama fantasy series na Mga Lihim ni Urduja, pero hindi pa rin makapaniwala ang mga bida nitong sina Sanya Lopez at Kylie Padilla sa naging reaksyon ng publiko sa bago nilang serye. Hindi maitago ang saya ng dalawang Kapuso stars.
Sa interview nila sa GMA Regional TV morning show na BizTalk, ibinahagi ni Sanya, “Ako, personally, sobrang happy ako na maganda pa rin ‘yung pagtanggap ng mga tao sa amin pagkatapos ng ‘Maria Clara [at Ibarra]’ ang daming naging interesado agad. ‘Ano ba ang kwento naman ng ‘Mga Lihim ni Urduja?’”
Dagdag pa nito, “Nakakatuwa na kahit ‘yung mga fight scenes namin, malala dun, pero ‘pag napanood naman namin na maganda ‘yung bawat eksena na ipinakita dun, nakaka-happy.”
Natutuwa rin si Kylie sa naging reaksyon ng mga manonood sa kanilang serye at ayon sa kanya, ay “minamahal po namin talaga ‘yung project.”
“Palagi kong sinasabi ‘to, ‘Pag minahal na rin ng mga nanonood, bonus na lang ‘yun’ kasi on set, nag-eenjoy din kami,” sabi nito.
Dagdag ni Kylie, “Ako, personally, gustung-gusto ko talaga ‘yung kwento kasi women empowerment siya tsaka andaming facet.”
Ginagampanan ni Sanya ang role ng warrior-princess na si Hara Urduja, samantalang ang role ni Kylie ay ng rookie cop na si Gem Davino.