Advertisers

Advertisers

Pia inamin, pagod nang magpaganda

0 197

Advertisers

Ni BETH GELENA

TULOY na ang concert ni Alanis Morissette dito sa Manila sa darating na August.
Inanunsiyo ng concert organizer, ang Ovation Productions, na ang Alanis’ special Jagged Little Pill anniversary concert ay magaganap na sa August 1 sa SM Mall of Asia Arena.
Ang original schedule ng concert ni Alanis ay dapat noon pang April 2020, na resked ito ng tatlong beses dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon pa sa Ovation Productions, ang tickets na nabili nu ng 2020 ay hindi na pwedeng i-honor.
Dapat daw ay i-refund ng mga nakabili ng tiket noong 2020 at bumili ng panibago.
Magsisimula silang magbenta ng tiket sa March 29 sa smtickets.com.
1996 nang huling bumisita si Alanis sa bansa.
***
MAY ibinahaging short video clip ang former Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram account kasama ang fiance na si Jeremy Jauncy sa isang bakasyon.
Proud niyang shinare ang villa na kanilang tinutuluyan habang palakad-lakad siyang naka-paa lang.
Ayon sa Miss U 2015, “it is a place where one need not be dolled up.”
“Our villa. No need for fancy shoes here. Just flip flops. I’ve also been walking barefoot most of the time. The best kind of vacation.”
“Yung hindi mo na kailangan magpaganda, nakakapagod na kasi mag-ayos palagi,” wika pa ni Pia.
***
TROPANG LOL TITIGBAKIN? FACE TO FACE IPAPALIT
Sa showbiz update nina Ogie Diaz at Mama Loi ay napag-usapan nilang may magsasara raw na noontime show.
Ayon kay Papa Ogs, may nagtsika raw sa kanyang source na magsasara na ang Tropang LOL at papalitan umano ng bagong show ang timeslot nito, ang dating programa noon ng TV 5 na Face to Face.
Sey pa ng batikang manunulat at kontrobersiyal na talent manager na ang last taping daw ng Tropang LOL ay sa March 29 at April 29 umano magsasara ang programa.
Nakwento raw umano ni Karla Estrada ang nasabing ipapalit sa Tropang LOL kung saan ay kasama yata ang celebrity mom sa programa.
Sabi nga ni Mama Loi, baka naman daw maglilipat lang ng time slot ang programa dahil kawawa naman daw ang mga host ng nasabing noontime show.
Halos lahat daw kasi ng staff sa LOL ay mga galing ABS-CBN na nawalan ng trabaho noong hindi na-renew ang prangkisa ng Kapamilya.
Sey naman ni OD, sana nga raw ay ganun na lang ang mangyari na ilipat na lang ang oras ng Tropang LOL at wag na itong tsugiin.
Napabalita pa last year ang isyung ito, pero hindi naman natuloy.
Nagpasubali naman si Ogie na hindi pa naman kumpirmado ang lahat.