Advertisers

Advertisers

MAJA AT RAMBO BEACH WEDDING ANG TARGET SA JULY 2023

0 144

Advertisers

Ni BETH GELENA

WALANG binigay na date ang couple na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa kanilang kasal.
Pero siniguro nilang buwan iyon ng Hulyo ngayong taong ito.
Ani Maja, “So, medyo maganda yung ganyan… yung wala kayong alam sa kung ano ang tamang sagot. Yung mag-crave nang mag-crave kayo sa amin… Kung meron man akong pinakamaise-share, beach wedding. “Kasi siyempre, isa akong ‘bitch.’ I love going to the beach.”
Pero tahasang tinanong ang couple kung totoong nagpa-civil wedding na sila last Valentine’s Day kasabay ng kanilang fourth year anniversary.
Sinelebteyt lang daw nila ang kanilang anibersaryo nu’ng February 14.
Hindi nila sinagot ang tanong bagkus sinabi ng fiance ni Maja na pareho raw silang mahilig mag-travel kaya destination wedding daw ito.
“Yung gusto lang namin yung… parehas kaming mahilig mag-travel, e. So, we wanna go to destinations na, kumbaga, malapit din sa amin,” wika ni Rambo.
Pero hindi pa raw naman napapa-finalize but for sure raw isa itong
beach wedding
***
BAMBOO MAY POSIBILIDAD NA MAGKAROON NG REUNION CONCERT ANG RIVERMAYA
MAY posibilidad daw na magkaroon ng reunion concert ang dating banda ni Bamboo na Rivermaya.
Sa panayam sa isa sa hurado ng “The Voice Kids,” sinabi niyang hindi naman daw niya sinasara ang pinto na magkaroon sila ng reunion concert ng dati niyang Rivermaya band.
“I will never say never. But I cannot imagine how. We can hang out in the house or have dinner, but to play again?” bitin niyang sagot nang tanungin ng ABS-CBN News.
Dagdag pa niya, matagal na raw silang hindi nagha-hangout na mag-bandmates.
“You have to imagine how long we’ve been away from each other and what kind of family I’ve built with the guys I’m playing with now. I’m pretty loyal to my band now,” saad ni Bamboo.
Umalis si Bamboo sa Rivermaya noong 1998 at nag-solo sa pag-form ng bagong grupo.
“I understand we’re all trying to make a living,” aniya pa.
“I got to take care of my guys. I know Rivermaya is out there. They are doing their thing as well, as they are playing. They are sharing their music, as well.”
In-acknowledge naman ni Bamboo ang significance ng Rivermaya to his life but admitted that it will be hard to go back to what it used to be.
Marami naman sa fans ng Rivermaya ang nagwi-wish na sana raw ay magkaroon sila ng reunion concert tulad ng ginawa ng E-Heads.
Ang Rivermaya ay binubuo noon nina Mark Escueta, Mike Elgar, Nathan Azarcon at Bamboo
***
SELENA AT HAILEY BIEBER NAKA-FOLLOW NA SA ISA’T ISA
NAKA-follow na ngayon si Selena Gomez kay Hailey Bieber, ang misis ni Justin Bieber na boyfriend noon ni Selena.
Sey ng singer sa kanyang IG, “Hailey Bieber reached out to me and let me she has been receiving death threats and such hateful negativity.
“This isn’t what I stand for. No one should have or bullying.
“I’ve always advocated for kindness and really want this all to stop.”
Komento ng netizens, “Bakit kasi ang maldita nila kay Hailey?”
“Bakit kasi ang maldita ni Hailey?’
“She started it. Mabait lang si tita Selena ko kaya napa post siya ng ganyan.”
“Para sa mga nagsasabing kasalanan ni Selena na hindi maka move on, obviously hindi kayo nagbabasa ng mga news at di nyo alam history nila. Nakailang BF na si Selena after JB matagal nang naka-move on at hindi siya nagpapatama kay Hailey.