Advertisers

Advertisers

Nadine at Yassi natuldukan ang away

0 151

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MISMONG si Yassi Pressman ay nagsalita regarding sa kumalat na tsika na may awayan sa pagitan nila ni Nadine Lustre.
Nagsimula ang tsika nang manggulat ang larawan nina James Reid at sister nito na si Issa Pressman.
Sa pag-amin na ‘yun ng kapatid sa relasyon nila ng ex ni Nadine na si James.
Pinutakti ng bash si Yassi at inamin nito kay Nadine na nakaranas ito ng anxiety mula sa mga basher.
Si Nadine pa nga ang nagsabi sa kaibigan kung okey na ba raw ito.
Sa paglilinaw ni Yassi na walang sigalot o away sa kanila ni Nadine.
Pagmamalaki pa nitong super okey at magkaibigan pa rin sila ni Nadine.
Mga bata pa nga lang daw ay magkaibigan na sila at nagsalita ito para matuldukan ang awayan daw sa kanila.
Nakikita naman ni Yassi na okey si Nadine sa French bf na si Christopher Barriou.
***
Produ ng LOL pumalag…
Dahil sa Face to Face babu na ang LOL
MAY mga bulung-bulungan na tila magtatapos na sa ere ang noontime show ng Kapatid network na LOL
Nakatsikahan daw kasi si Karla Estrada ng online showbiz host na si Ogie Diaz kung sino ang host na nakatsikahan ni Karla.
Balik tanong ng host ng LOL, anong show at time sagot naman ng mudra ni Daniel Padilla na may programa ito sa TV5 na Face to Face at 11 to 12om daw ito na oras ng LOL.
Kaya naman aligaga na ang lahat na mawawala na sa ere ang kanilang show.
Sa March 29 ang teyping at huling palabas na sa April 29, tsikahan pa sa vlog ni Ogie at mga kasama.
Pero may sitsit na pumalag daw ang produ ng LOL at binawi ang timeslot nila na 11 to 12.
So, marami na namang abangers sa anunsiyo kung maggu-goodbye na sa ere ang LOL na kapalit ang Face to Face.
Well well, well…Yun na!