Advertisers

Advertisers

P1.5m shabu nasabat sa Zamboanga

0 130

Advertisers

Arestado ang anim na indibidwal at nakumpiska ang aabot sa P1.5 milyon halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Zamboanga City.

Ayon sa ulat, nakuha nila ang P1.3 milyon halaga ng shabu mula sa naarestong suspek na si Nasser Hapil-Hapil, 40, nasa ilalim ng drug watch list at residente ng Hipolito Drive, Barangay San Roque.

Inaresto si Hapil-Hapil ng joint police at military personnel sa ikinasang buy-bust sa Sitio Uwak, Barangay San Roque 10:30 ng gabi nitong Biyernes, Marso 24.



Nakuha mula kay Hapil-Hapil ang sachet ng shabu, 201 gramo ng suspected shabu na nakalagay sa tatlong plastic sachet at nagkakahalaga ng P1,366,800, sling bag, cellular phone, at 79 na P1,000 bills bilang boodle money, at genuine P1,000 bill bilang marked money.

Samantala, naaresto naman ang apat na suspek sa P102,000 halaga ng illegal na droga sa anti-drug operation na ikinasa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Dorothy Joy Villoso, PDEA-Zamboanga City director, kinilala ang mga suspek na sina Nursemal Atara Alam, Alana Princess Tumanong Tambang, Samer Taib Villacora, at Jhon Paul Layunon Tumanong.

Naaresto ang mga ito sa ikinasang operasyon sa Purok 1, Barangay Sinunuc bandang 3:10 ng hapon nitong Sabado, Marso 25.

Nakuha sa mga ito ang 15 gramo ng shabu na nakalagay sa 21 plastic sachets at nagkakahalaga ng P102,000, bundle ng 11 P1,000 bills bilang boodle money at genuine P1,000 bill bilang marked money.



Naaresto din ang isa pang suspek na si Jainal Amping Adin, 34, na klasipikado bilang street-level individual o street drug peddler.

Naaresto naman si Adin sa buy-bust sa isang nightclub sa Governor Camins Avenue, Barangay Canelar, alas-11:46 ng gabi nito ring Sabado.

Nakuha mula kay Adin ang limang gramo ng shabu na nakalagay sa apat na plastic sachet at nagkakahalaga ng P34,000, coin purse, at P200 bill na ginamit bilang marked money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.