Pakakasal na kay Arjo…Maine aalis talaga sa EB; Gerald sinabi na noon kay Bea ang dayalog kay Julia na “she’s the one”
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
KUNG hindi rin lang daw makakasama ni Alden Richards sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ay walang balak sumama ang una sa bagong pamunuan ng Eat Bulaga.
Ito ang kinumpirma ni Nay Cristy Fermin sa kanyang vlog with Rommel Chika at Wendell Alvarez.
Ayon kay Nay Cristy ay nakausap na raw niya si Alden kamakailan tungkol sa kalagayan ng Eat Bulaga, “Eto po ang totoo at ito ay sa akin niya (Alden) talaga sinabi. Na anuman daw po ang offer na ibigay sa kanya ng bagong pamunuan ng Eat Bulaga, hindi siya sasama,” pagbabalita ni Nay Cristy.
Ayon pa sa batikang manunulat, tila ito raw ang gagawing main host ng EB kasama nina Jose Manalo. Wally Bayola at Allan K.
Sobrang laki nga raw ng utang na loob ni Alden sa EB at TVJ na nasa likod ng malaking tagumpay nila ni Maine Mendoza na nagsimula nang pagtambalin sila sa show at nagkaroon nga ng AlDub loveleam
Hinding-hindi raw makalilimutan ni Alden yun na forever niyang tatanawing utang na loob.
Tama lang daw ang desisyon na ito ni Alden at sabi nga ni Nay Cristy, lalong tumaas ang pagtingin niya sa actor nang sinabi ito sa kanya.
Saka magiging negative rin daw ang dating ni Alden kung hindi siya sasama sa mga dating kasamahan, lalo na nga sa TVJ kung aalisin ang mga ito sa longest noontime show sa television.
Walang magiging problema kay Maine dahil nakaplano na rin daw talagang aalis ito dahil malapit na itong ikasal kay Congressman Arjo Atayde.
Sa April 15 ay magkakaalaman na kung anong mangyayari sa Eat Bulaga sa gaganaping malaking presscon ng noontime show.
***
SA fans na sumusubaybay kay Gerald Anderson ay narinig na nila sa actor ang pahayag nitong, “She`s the one. You just know ” na siyang naging sagot niya sa tanong ni Korina Sanchez kung nag-propose na ba ito kay Julia noong magkasama sila sa Paris, France.
Ito rin daw kasi ang sinabi ni Gerald kay Bea Alonzo noong magkarelasyon pa sila. Tila hindi lang isa ang nakaalala dahil may nag-comment din na sinabi niya ito kay Bea. May naghahanap na rin nga raw ng nakaraang interview ni Gerald noong sila ni Maja Salvador para lang malaman kung ganoon din ang sinabi ng actor kay Maja.
May nag-comment tuloy na sana mag-move on na ang fans sa nakaraang relationship ni Gerald dahil naka-move on na ito at masaya na sa piling ni Julia. Samantalang si Bea ay masaya na rin sa piling ni Dominic Roque at ganoon din ang iba pang nakarelasyon ng actor.
May nag-wish naman na sana totoong nag-propose na si Gerald kay Julia para magpakasal na ang dalawa at matigil na ang pagli-link sa kanya tuwing may bagong nakakapareha. Para hindi na rin ma-stress ang fans nina Gerald at Julia na baka dumating ang araw na mag-break din ang dalawa.
Well, hindi talaga matatapos ang isyu kay Gerald hanggang hindi ito nagpapakasal at kapag nangyari ito ay mapatutunayan niya na si Julia nga ang kanyang “the one.”