Advertisers
PAGKAHABA-haba man ng prosisyon,sa simbahan pa rin ang tuloy.
Ganyan sa koponang Davao Occ.Tigers COCOLIFE.
Pagkahaba man ng eliminasyon hanggang semis, pagkahirap man ng dinaanan,kita- kits pa rin sa finals upang muling tangkaing maiuwi ang kampeonato at mapanatili ang tradisyon ng popular team na big ‘W (winning tradition) mula pa nang sumabak ito sa Maharlika Pilipinas Basketball League(MPBL) hanggang sa Pilipinas Super League( PSL) na parehong dinomina ng koponan ng BAUTISTA clan at suportado nina COCOLIFE President Atty. Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at sa timon din ni manedyer Ray Alao katuwang si coach Arvin Bonleon ,deputy Jerwin Gaco,Rob Wainwright at ang mga beterano,rookies at homegrown players (Billy Ray Robles,John Wilson ,Emman Calo,Roby Celis,Larry Rodriguez,Bonbon Custodio,Kyt Jimenez, Renzo Subido, Gab Dagangon,Marco Balagtas at iba pang Tigers) na buhos ang laro to the limit makatulong lang sa panalo ng team Davao Occidental Tigers COCOLIFE.
Iba ang labanan ngayon dito sa PSL Pro Division 2nd Conference.
Lahat ng koponan ay malalakas at gutom manalo.
Kaya hindi madali ang pinagdaanan ng Tigers dahil namantsahan din sila ng apat na talo tampok ang semplang nila sa mismong balwarte sa Davao.
Pero agad naman silang nakaresbak kaya heto nasa finals na sila at makakalaban ang mapanganib na Pampanga Lanterns ni Gov.Dennis Pineda ngayon sa Bren Z.Guiao Convention Center na tiyak na dadagsain ng mga panatikong homecrowd na Kabalen.
Goodluck Tigers COCOLIFE,Mayor Dinky Bautista,SVP Otep Ronquillo at congrats sa matagumpay na pambansang liga ng bayan na PSL sa pamumuno ni Pres.Rocky Chan and kudos to Mdam Yhriel Alao.BAKBAKAN NA SA PSL FINALS!