Advertisers

Advertisers

Ex-mayor sugatan sa aksidente

0 130

Advertisers

Sugatan ang isang dating mayor ng Senator Ninoy Aquino sa naganap na aksidente sa probinsya ng Sultan Kudarat nitong Linggo, March 26, 2023.

Kinilala ang biktima na si Rafael Flauta II, dating alkalde ng Senator Ninoy Aquino (SNA).

Sa ulat, bumangga ang puting Toyota Fortuner ni Flauta sa pundasyon ng streetlight bago nawalan ng control ang sasakyan at bumulusok sa mababang gilid ng highway sa Sitio Nakan sa Barangay Kapaya sa bayan ng Bagumbayan sa Sultan Kudarat.



Agad nadala si Flauta sa pinakamalapit na ospital at nilapatan ng kaukulang lunas at kasalukuyan nagpapagaling.

Inaantabayanan pa ang ulat ng lokal na pulisya hinggil sa insidente.