Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MASAKLAP pala ang mga pinagdaanan ni Kokoy De Santos noong hindi pa siya sikat na artista.
Naranasan na ng pamilya niya na magpalipat-lipat ng tinitirahan nilang bahay dahil nailit ito ng bangko dahil hindi sila nakakabayad sa buwanang hulog dito.
Ikinuwento ni Kokoy sa Fast Talk With Boy Abunda na dalawang beses na nahila ng bangko ang kanilang bahay, isa sa Laguna at isa sa Cavite, dahil hindi nila ito nababayaran.
Naka-relate naman si Tito Boy sa karanasan ni Kokoy, na naghirap din noon para magkaroon ng bahay.
“Noong namatay ang tatay ko, pag-uwi ko sa Samar, ang salubong sa akin ng nanay, ‘Nakasangla ang bahay natin sa bangko.’
“Nakatingin lang ako dahil hindi ko maintindihan, hindi ko rin alam kung ano ang isasagot, ‘Ano ba ang gagawin?’ Dumikit iyan sa isipan ko na, ‘Pagdating ng araw, ipagpapatayo kita ng bahay, nanay,’” kuwento ng King of Talk.
Tungkol pa rin kay Kokoy, noon ay simple lamang ang pangarap ng binata.
“Ang gusto ko lang naman ay maka-travel kasama pamilya ko.
“Gusto ko mag-ipon nang mag-ipon at mag travel with them. At gigising sa umaga na wala nang iisiping utang,”
At ngayong successful na si Kokoy bilang isa sa in-demand artists ng Sparkle ng GMA Network, tinatamasa na niya ang bunga ng kanyang paghihirap, maayos na ang buhay niya ngayon.
Naipagpatayo na rin niya ng bahay ang kanyang pamilya.
“Pangarap ko talaga makapagpatayo ng bahay.”
Kasali si Kokoy sa cast ng The Write One nina Bianca Umali, Ruru Madrid, Mikee Quintos, Paul Salas, Ramon Christopher at Lotlot de Leon.
***
GELLI AT ARIEL RASON NG MATIBAY NA SAMAHAN
VERY ideal ang samahan ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera dahil isa sila sa iilang nagtatagal at nananatiling matibay ang relasyon.
Dalawampu’t limang taon na silang kasal.
At sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, ibinahagi ni Gelli ang importansiya ng komunikasyon sa kanilang relasyon ni Ariel.
“You try to understand, really understand what you’re partner is saying.
“It helps that you’re together all the time but you really have to communicate,” pahayag ni Gelli.
Ayon pa rin kay Gelli, importante rin na “be yourself, don’t lose yourself.”
“You need to do other things and not just be together all the time. You also have to be yourself, don’t lose yourself.
“Find something you love doing that makes you happy even if you’re not with your partner,” sinabi pa ng aktres.
May dalawang anak ang mag-asawa, sina Julio at Joaquin.
Samantala, taliwas sa totoong buhay nila, mag-asawang bangayan nang bangayan at hindi magkasundo sina Gelli at Ariel sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
Mahaba at mahalaga ang papel nila sa pelikula dahil sila ang gumaganap na mga magulang ni Rey Valera sa naturang pelikula na hango sa buhay ng music icon na si Rey.
Kasali ito sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival simula April 8 hanggang April 18.
Mula sa Saranggola Productions ni Ms. Edith Fider, ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ay sa direksyon ni Joven Tan.
Nararapat panoorin ang pelikula dahil maganda at matino ito, bukod pa sa tunay namang napakasarap sa tenga ng mga awiting nilikha at inawit ni Rey.
Bida rito si RK Bagatsing bilang Rey kasama sina Rosanna Roces, Aljur Abrenica, Gardo Versoza, Meg Imperial, Dennis Padilla, Gelli de Belen, Ariel Rivera, ang Bubble Gum Pop Princess na si Shira Tweg (bilang Sharon Cuneta), Ronnie Lazaro, Ara Mina, Arlene Muhlach, Epy Quizon, Ricky Rivero, Mike ‘Pekto’ Nacua, Eric Nicolas (bilang Rico Puno) at ang mag-amang Christopher de Leon at Lotlot de Leon.
At sa unang pagkakataon ay nag-artista ang mister ni Lotlot, ang Lebanese businessman na si Fadi El-soury.
Gumanap si Fadi bilang asawang foreigner ng karakter ni Lotlot na mayamang tagahanga ni Rey.