Advertisers

Advertisers

AIRASIA PHILIPPINES, NAGSIMULA NA SA “alwaysREADY NGAYONG SEMANA SANTA”

0 198

Advertisers

SINIMULAN ng AirAsia Philippines ang selebrasyon ng Semana Santa na may laging HANDA ngayong Semana Santa, isang inisyatiba ng Corporate Sustainability and Social Responsibility (CSSR) na naglalayong isulong ang kahandaan at magbigay ng tulong sa mga bisita nitong bumibiyahe sa iba’t ibang probinsya.

Personal na tinanggap ni AirAsia Chief Executive Officer Ricky Isla ang mga dumating na bisita sa NAIA terminal 4 kung saan ay nauna nang nagsagawa ng regular na inspeksyon ang una upang matiyak ang kaligtasan, kaginhawahan, at walang problemang paglalakbay sa mga bisita ng AirAsia.

Sa inaasahang pagdagsa ng mga manlalakbay para magpalipas ng long weekend sa kani-kanilang mga probinsya ay naglaan ang AirAsia ng 12 check-in counter na pinangangasiwaan ng well-trained na ground staff upang tulungan ang mga bisita sa lahat ng oras.



Ang mga karagdagang boluntaryo na binubuo ng mga cabin crew trainees at intern ay na-deploy din upang tulungan ang mga pasahero sa mga self-check-in kiosk at i-maximize ang paggamit ng mobile check-in sa pamamagitan ng airasia Super App.

Nag-set up din ng Customer Happiness Booth para tulungan ang mga bisita sa mga kagyat na alalahanin sa rebooking nang maginhawa.

“We are one with the Filipino people in observing one of the most important religious celebrations in the country. On top of our world’s best service, we are extremely humbled to fly our guests to the different destinations having safety, convenience, and on-time performance (OTP) as our top priority.” ani Isla

Noong Marso 28, nag-post ang AirAsia ng outstanding OTP na 99% na maaaring maiugnay sa pangako at dedikasyon ng mga Allstars (mga empleyado) nito na ligtas at mahusay na maghatid ng mga bisita at kargamento sa mga destinasyon nito.

“AirAsia wishes to highlight readiness among Filipinos during their travels. We are #alwaysREADY for our guests, making processes simple and effective through our digital platform, the airasia Super App,” idinagdag pa ni Isla.



Mahigit 150,000 bisita ng AirAsia ang inaasahang magbibiyahe sa mga destinasyon sa labas ng Metro Manila sa panahon ng Semana Santa. Para tulungan ang mga bisita, naglabas din ang World’s Best Low-Cost Airline ng mga quick travel reminders sa pamamagitan ng flyairasia.ph social media.

Ang “alwaysREADY ngayong Semana Santa” ay katuwang din ng Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at Civil Aeronautics Board (CAB) . Ito ay sinimulan ngayon (Marso 30) hanggang 10 Abril 2023.

Para malampasan ang init ng tag-araw, ang mga kasosyo ng AirAsia CSSR tulad ng SIP Purified Water ay sumunod din sa panawagan ng volunteerism at nag-donate ng LIBRENG bottled drinking water para sa mga manlalakbay. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)