Advertisers

Advertisers

Curry nagpaulan ng 8 triples sa panalo ng Warriors vs Pelicans

0 151

Advertisers

UMISKOR si Stephen Curry ng 39 points tampok ang walong three-pointers upang pamunuan ang nagdedepensang Golden State Warriors sa 120-109 pagresbak sa New Orleans Pelicans.

Kumana rin ng 8 rebounds at walong assists si Curry, habang tumipa si Jor­dan Poole ng 21 points para sa Warriors (40-37) na nakahugot kay Klay Thompson ng 17 markers kasama ang limang triples.

Umakyat sila sa sixth place sa Western Conference standings kasunod ang Minnesota Timberwolves (39-37) at Pelicans (38-38).



Bumangon ang Golden State mula sa 20-point deficit, 43-63, para makadikit sa 83-89 sa third period mu­la sa tatlong sunod na tres ni Curry.

Mula rito ay tuluyan nang naisuko ng New Orleans, nakakuha kay Brandon Ingram ng 26 points, 8 rebounds at 7 assists, ang bentahe.

Sa Toronto, kumamada si Pascal Siakam ng 26 points at may 22 markers si Scottie Barnes sa 106-92 panalo ng Raptors (38-38) sa Miami Heat (40-36).

Sa Atlanta, umiskor si De­jounte Murray ng 29 points at nag-ambag si On­yeka Okongwu ng season-high na 21 markers sa 120-118 paglusot ng Hawks (38-38) sa Cleveland Cavaliers (48-29).

Ang kabiguan ng Ca­va­liers ang nagbigay sa NBA at Eastern Confe­rence-lea­ding na Milwaukee Bucks (54-21) ng Central Division crown.



Sa Washington, humataw si Kristaps Porzingis ng 32 points sa 130-111 pagsapaw ng Wizards (34-42) sa Boston Celtics (52-24).