Advertisers

Advertisers

Drug den sa Pasay sinalakay: 5 tulak nasabat

0 172

Advertisers

Nadakip ang limang street level individuals (SLIs) kasabay ng paglalansag ng drug den sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit-Southern Police District (DDEU-SPD) sa Brgy. 127, Pasay City.

Kinilala ang mga suspek sa isinumiteng report ni Pasay City police chief P/Col. Froilan Uy kay SPD director P/Brig. Gen. Kirby John Brion Kraft na sina Vicente Galura (HVI-pusher), namamahala ng drug den; Victor Sillacay Roble, (SLI-pusher); Jomar Areglado Realingo (SLI-user); Ted Gonzales Torres (SLI-user); at Leksis Bunyi Gentucao (SLI -user).

Sa pagsalakay ng mga operatiba ng DDEU sa drug den narekober sa posesyon ng limang suspek ang 7 transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na may bigat na 30 gramo at nagkakahalaga ng P204,000; drug paraphernalia at P500 buy-bust money na ginamit sa operasyon.



Ang narekober na di-umano’y shabu na gagamiting ebidensya laban sa suspeck ay dinala sa SPD Forensic Unit upang sumailalim sa chemical analysis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 11, 12, 13, at 14 sa ilalim ng Art II ng RA 9165 ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng DDEU-SPD.