Advertisers

Advertisers

NATIKMAN ANG MAKAPANGYARIHAN

0 218

Advertisers

SIMPLENG tao lang dati si Juan.

Nakapaglalakad sa kalsada kahit mag-isa, kumakain sa karinderia nang walang pumapansin,nakikipag- BASKETBALL nang yeluhan lang ang pusta, sumasakay ng dyipni o padyak , magsisimba ng panatag uuwi sa bahay matapos ang maghapong pag-aaral at sideline na trabaho.

Sasalubong ang ina at ipaghahain ng simpleng hapunan sabay silang magkakapatid at kararating na amang galing din sa trabaho.



Manonood ng telebisyon sa salas ng balita at ibang programa pagkatapos ay papasok na sa kwarto upang gawin ang asignatura para sa kinabukasang klase bago antukin at makatulog ng MAHIMBING.

Ganyan lang ka-payak ang buhay nya noon.Iba na siya ngayon.

Isa na siyang nilalang na kapagdaka ay nabago ang kapalaran nang biglang mapasok sa pulitika nang di niya akalain.

Nakatikim siya nang kapangyarihan at tinitingala ng kanyang nasasakupan.

Napuno ang kanyang kuwarta moneda nang lumaon ay baul na bukod sa bangko at pagdami na ng ari-arian tulad ng mamahaling kotse at mansiyon at siyempre matataas na kalibreng armas at tauhan para siya protektahan.Ang basketball niya noon ay target shooting na para sa kalaban.



Nagumon na sa kapangyarihan. Kailangan niyang manatili dito at di patatalo kahit kanino sa anumang paraang magkaubusan ng tauhan at lahi at mandaya sa kagustuhan ng tao.

Palalakihin ang sariling armada para depensa sa sinumang aagaw ng kapangyarihan.

Pero lahat ay may hagganan.

Nasa ilalim pa rin ng siya ng batas ng republika na kailangang managot sa kasalanan sa kapwa, kaaway man at inosente. Ngayon ay walang magawa ang kapangyarihang maging invisible para makatakas siya sa batas. Wang bisa na ang dasal at ang baul- baul niyang salapi ay di man lang makabili ng masarap na TULOG!

Sino pa ang may gusto ng POWER?