Advertisers

Advertisers

2 construction worker pinatay sa bangka

0 200

Advertisers

PATAY ang dalawang construction worker nang pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang mga salarin sa Navotas City.

Kinilala ang mga biktima na sina Marcy Reyes alyas “Take”, 48 ng Maringal St., Brgy. Tanza 1; at Jose Paulo Vicente alyas “Jaypee”, 36 ng 212 B. Enriquez, Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan.

Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Allan Umipig, magkakasamang sakay ang mga biktima at mga salarin sa bangka mula sa Badeo 6, Brgy. Tangos North patungong Maringal St., Brgy. Tanza.



Pagdating sa Maringal St., Brgy. Tanza 1, alas-10:20 ng umaga nang magbabayad na sana ang mga biktima ng kanilang pamasahe bigla na lamang bumunot ng baril ang mga salarin at pinagbabaril si Reyes at Vicente.

Mabilis na tumakas ang mga salarin patungong Masipag Street habang narekober naman ng rumesponding mga pulis sa crime scene ang isang cellphone, 11 pirasong basyo ng bala ng cal. 45 baril, 2 deformed slugs at isang small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan ng mga salarin habang inaalam pa tunay na motibo sa pamamaril sa mga biktima.(Beth Samson)