Advertisers

Advertisers

April 26 deadline para sa SIM registration tuloy na tuloy na – DICT

0 149

Advertisers

MULING nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa lahat ng mga hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang mga SIM card.

Pahayag ng DICT, may 24 araw na lamang ang mga subscriber na irehistro ang kanilang mga SIM card bago ang deadline sa April 25.

Hindi na ito palalawigin pa ng ahensya kaya mainam anila na magparehistro na upang hindi ma-deactivate ang SIM.



Sa pinakahuling datos ng DICT noong March 30, umabot na sa 54,700,899 ang nakapag-rehistro ng SIM card.