Advertisers
NAGREHISTRO si point guard Jalen Brunson ng career-high na 48 points upang buhatin ang New York Knicks sa 130-116 pagdispatsa sa Cavaliers.
Nagpaulan din si Brunson ng pitong three-pointers para sa New York (45-33) na dumikit sa isang playoff berth sa Eastern Conference bagama’t hindi naglaro si star forward Julius Randle dahil sa sprained left ankle.
Matapos makadikit ang Cavaliers sa 116-123, kumonekta ng layup at triple si Brunson para muling ilayo ang Knicks sa 128-116 kalamangan.
Sa Boston, tumipa si Jayson Tatum ng 39 points at 11 assists para sa 122-114 paggiba ng Celtics (54-24) sa Utah Jazz (36-41).
San San Francisco, kumonekta sina Stephen Curry, Klay Thompson at Jordan Poole ng pinagsamang 20 triples sa 130-115 panalo ng Golden State Warriors (41-37) sa San Antonio Spurs (19-58).
Sa Minnesota, iniskor ni Anthony Davis ang 17 sa kanyang 38 points sa fourth quarter para igiya ang Los Angeles Lakers (39-38) sa 123-111 pagdaig sa Minnesota Timberwolves (39-39).
Sa Memphis, nagtala si Desmond Bane ng 22 points sa 108-94 pagpulutan ng Grizzlies (49-28) sa Los Angeles Clippers (41-37).
Sa New York, nagpasabog si Mikal Bridges ng 42 points sa 124-107 pagwawagi ng Brooklyn Nets sa Atlanta Hawks