Advertisers

Advertisers

Reward sa tipsters

0 176

Advertisers

NAKATANGGAP ng reward na P4 million ang tipsters ng nasamsam na P4 billion halaga ng shabu sa Baguio City kamakailan.

Oo! Bawat may mahuling malaking bulto ng iligal na droga, malaking pabuya ang natatanggap ng tipster(s).

Ano ang ginagawa ng sariling intelligence unit ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Bureau of Investigation (NBI)? Bakit tila umaasa nalang ang mga ahensiyang ito sa nasusuhulang tipsters?



Hindi kaya ang mga tipster na ito ay sila ring mga intelligence officer ng mga mga naturang ahensiya na may regular na suweldo para sa kanilang trabaho? Kung tama ako, aba’y doble gastos ang taxpayers sa kanila! Mantakin mo… pinasusuweldo na sila sa trabaho nila, tapos bibigyan pa ng pabuya sa kanilang natumbok na mga kontrabando. Mali, ‘di ba mga pare’t mare? Onli in da Pilipins!

Kung ang mga informant naman na ito ay mga sibilyan talaga, bakit hindi nalang sila gawing regular intel officer ng gobyerno para hindi doble gastos sa pagbibigay ng pabuya?

Ang PNP, AFP, PDEA ay mayroong malalaking budget sa intelligence. Pero bakit tila umaasa nalang ang mga ito sa civilian informants? Kung ganito manlang, aba’y makabubuting alisan nalang ng pondo ng mga ito sa intelligence at ilaan nalang ito sa civilian informants. Say nyo, mga pare’t mare?

***

Malayo pa ang midterm election, sa 2025 pa. Pero pinag-uusaan na sa Maynila ang tatakbong mayor laban sa kasalukuyang ina ng lungsod na si Honey Lacuna.



Kahit sa mga prisinto ay matunog ang pagtakbong mayor sa Maynila ng graduating Senator na si Imee Marcos, ang Super-ate ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.

Ang ka-tandem daw ni Imee ay si Atty. Alex Lopez, ang tinalo ni Lacuna sa nakaraang eleksyon.

Posible mangyari ito. Kasi walang magandang pupuntahan si Imee pagkatapos ng kanyang termino sa Senado kundi ang Maynila kungsaan mayroon silang ancestral house. Boom!

Kapag natuloy si Imee sa Maynila, anong diskarte kaya ang gagawin nina Honey at Isko eh may mina ng kayamanan itong Marcosses. Hehehe…

***

Simula na ng Semana Santa. Hanggang Miyerkoles ng alas-dose ng tanghali nalang ang pasok sa gobyerno. Dineklara na ito ng Malakayang.

Kaya yung ibang non government workers na uuwi ng probinsiya ay nagpaalam na sa kanilang employers para ‘di na pumasok mula ngayon para hindi makasabay sa pagbaha ng mga uuwi simula Miyerkoles ng hapon.

Siguradong siksikan sa mga terminal ng bus, barko at eroplano simula sa Miyerkoles ang mga magbabakasyon, naghahabol kasing sa kanilang probinsiya magnilay-nilay sa Holy Friday.

Ito lang kasi ang mahabang bakasyon ng mga trabahador sa pribado at gobyerno, maliban sa Christmas season.

Ang payo ng Department of Transportation, kung walang dalang sariling sasakyan, iwasan ang magbitbit ng malalaking bagahe para maging komportable sa pagbiyahe. Tama!

At payo naman ng mga duktor, dahil panahon ngayon ng ‘heat stroke’ dulot ng grabeng init, uminom ng isang basong tubig kada oras para hindi magka-dehydration. Tama!

Ipinapayo rin ng mga duktor na iwasan ang magbilad sa araw simula alas-diyes ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, mga oras na grabe ang sikat ng araw.

Once again, mga suki at mga kapatid sa pananampalataya, happy holy week! God bless sa ating lahat…