Aljur aminado, failure ang marriage dahil nagloko; Kuya Kim tiniyak, sa langit ang punta pag namatay
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA panayam ni Toni Gonzaga kay Aljur Abrenica sa kanyang YouTube channel na Toni Talks, diretsahan niyang tinanong ang aktor tungkol sa panloloko niya sa dating asawa na si Kylie Padilla.
Sabi ni Toni, “Alam mo bang ang iniisip ng mga tao the reason why your marriage fell apart is because you cheated? Ano ang reaksyon mo pag ‘yun ang iniisip ng tao? The reason why your marriage fell apart is because ikaw ang may kasalanan. You cheated,” tanong ni Toni kay Aljur
Sagot ni Aljur, “Yeah, totoo naman, totoo naman ‘yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yun, may pagkakamali ako.”
Ayon pa kay Aljur, feeling niya ang biggest mistake na nagawa niya habang nagsasama pa sila ay, “Hindi ako nagkaroon ng time sa kanila. Nu’ng nagkaroon ako ng takot to provide. Nawalan ako ng oras, so nawala ‘yung komunikasyon.”
Ginawa naman daw niya ang lahat para ma-save ang kanilang marriage, “Pero hindi na talaga magwo-work. Mare-realize mo na I have to accept kasi hindi na talaga. Kasi ginawa ko na lahat. At siya rin, ginawa na rin niya lahat. In fairness to her”.
***
SA guesting ni Kim Atienza sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niyang kapag namatay siya at namaalam na sa mundo ay sa langit siya mapupunta at hindi sa impiyerno.
Ayon kay Kuya Kim, hindi raw siya natatakot mamatay at kahit kunin daw siya ni Lord anytime ay handang-handa na siya dahil lahat naman daw ng tao ay doon din ang ending.
“Hindi na ako takot mamatay, I can die today. Kasi alam ko kung saan ako pupunta. Alam kong pupunta ako sa langit,” pahayag ni Kuya Kim.
Pagpapatuloy ng TV host, “Because I have accepted Jesus Christ as Lord and Savior and repented for my sins.”