Advertisers
Naging tadisyon na ni MPD Dagupan Outpost Police Station 2 Supervisor Police Senior Master Sargeant Gerardo B. Tubera ang magsagawa ng Community Outreach Feeding program na tinawag na “Holy Wednesday Karidad” na libreng inuming tubig at pagkain ng mga dumadaan at nagtutungo sa C.M. Recto cor. Juan Luna St., Tondo at Divisoria bilang tugon sa kautusan ni MPD Director PBGeneral Andre P. Dizon at MPD Station 2 Commander PLTCol. Jorge C. Meneses III na maging matulungin sa mga tao at maging alerto sa mga nagugutom at nauuhaw ngayong matindi ang init ng panahon lalo na sa mga mataong lugar tulad ng Divisoria na dagsa ang mga tao.