Advertisers

Advertisers

JAIL FACILITIES NAKA-RED ALERT NGAYONG SEMANA SANTA

0 162

Advertisers

Isinailalim sa red alert status ang 478 jail facilities sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang matiyak ang kaligtasan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) at kaayusan ng mga selda ng kulungan sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology Acting Chief, Jail Chief Supt. Ruel Rivera na ang hakbang ay upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente sa mga pasilidad ng kulungan ngayong Lenten season.

Aniya, nakipag-ugnayan na sila sa mga religious leaders para magsagawa ng iba’t ibang aktibidad tulad ng Banal na Misa, recollections at religious processions.



Gayunpaman, iginiit ni Rivera na ang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology ay ipinagbabawal na magsagawa ng self-flagellation (penitensiya) upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kagalingan.

Gayundin, tiniyak ni Rivera ang pagbibigay ng mga mahahalagang pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at mga medical supplies.

Inatasan din ng pinuno ng kawanihan ang lahat ng mga tauhan ng kulungan na magsagawa ng dagdag na pagsisikap upang palakasin ang kanilang seguridad upang maiwasan ang anumang insidente sa loob ng kulungan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com