Advertisers
Arestado ang isang lalaki na nanghalay sa 17 anyos na yaya ng kanyang anak sa Quezon City.
Kinilala ni PLtCol. Reynaldo Vitto, station commander ng QCPD Station 9, ang suspek na si Michael Angelo Galit.
Ayon kay Vitto, isinumbong ni Galit ang kasambahay sa barangay dahil sa umano’y pagnanakaw ng pera.
Nang umalis saglit si Galit saka ibinunyag ng dalaga ang pagsasamantala ng kanyang amo.
Aniya, ginawang cover-up ni Galit sa pangahahalay sa biktima ang pagrereklamo sa barangay.
Isa pang 16 anyos na dalaga na namasukan bilang yaya ng anak ng suspect nitong Pebrero ang nagsumbong sa pulisya dahil din sa panghahalay.
Tumangging magbigay ng pahayag si Galit na nahaharap sa kasong rape at statutory rape.
Sumailalim naman ang dalawang biktima sa counseling ng Social Services Development Department ng Quezon City LGU.