Advertisers
TIYAK na “sasabit” ang ilang mataas na opisyal ng kapulisan sa Santa Rosa City of Laguna kapag mahigpit na paninindigan ng malapit ng magretirong si PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr. ang paglilinis sa kanyang hanay batay sa naunang polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” sa loob ng naturang organisasyon.
Kabilang sa posibleng sumabit dito ay itong si PLt. Col Paul M. Sabulao na ginawarang kamakailan ng Medalya ng Papuri para sa ipinakitang huwarang kahusayan, katapatan, at dedikasyon sa tungkulin bilang Chief of Police ng Santa Rosa City Police Station at ang Acting Laguna PNP Provincial Director na si PCol Randy Glenn G. Silvio dahil sa di masugpong operasyon ng iligal na sugal drop ball at pulay-puti na matatagpuan sa may Macabling, Golden City ng Barangay Dita, Calesa papuntang bayan ng Santa Rosa, Target Mall Balibago, Barangay Santa Cruz at Don Jose Subdivision.
Diba kaakibat ng pamumuno sa organisasyon ay ang responsibalidad at ang mabigat na pananagutan, kaya ang PNP provincial director at Chief of Police na nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service” ay may pananagutan batay na rin sa doktrina ng command responsibility.
Oh baka naman, nakalimot na sila?
Kaya kung sakaling may pagkukulang at pagpapabaya nga sa kanilang tungkulin ang mga nabanggit na PNP official dahil sa di pag-aksyon nito laban sa hayagang operasyon ng inuumaga na sugal ay pagpapabaya sa tungkulin ang tawag dito.
Kaya kung nagpapabaya nga si P/Col Silvio at P/Lt. Col Sabulao at walang kakayahang supilin ang lantarang operasyon ng iligal na sugal na itinuturing na notoryus kung saan maraming mamamayan na ang naging adik sa sugal ay wala na sigurong karapatang manatili pa sila sa kanilang pwesto dahil nakakahiya na kina PBGEN Jose Melencio C Nartatez Jr., at Laguna Governor Ramil Laurel Hernandez.
Kaugnay nito nagtataka rin tayo sa pananahimik ni Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas na sinasabing namumukod tangi ang kanyang lungsod na bumabalewala sa ibinabang kautusan ni DILG Secretary Benhur Abalos.
Ayos sa reklamo sinasabing hindi kinonsidera ng alkalde ang kapakanan ng kanyang mamamayan na naghihikahos sa buhay, na nawalan ng trabaho at pangakabuhayan dulot ng nagdaang pandemya dulot ng COVID-19 bagkos itinutulak pa umano nito sa bisyo sa pagtataya sa pulat-puti at drop ball na dapat sanay pambili na lamang ng bigas.
Hindi rin katanggap-tanggap sa sektor ng simbahang Katoliko ang pagkupkop ni Mayor Arcillas na sinasabing “dereliction of duty at gross misconduct”, na sa tagalog “pagpapabaya sa tungkulin at maling pag-uugali” dahil sa pagbibigay diumano ng proteksyon sa mga gambling operator.
May kasunod pa, kaya wag bibitiw!
***
Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.