Advertisers
Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin nitong Martes ng gabi sa Makati City.
Napag-alamang nagpapahinga lamang sa loob ng isang kotseng nakaparada sa tapat ng isang kainan ang biktimang si Gilberto Cayetano nang siya ay paputukan ng baril ng hindi pa nakikilalang salarin, ayon sa ulat ni Nico Waje sa Unang Balita nitong Miyerkoles.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa J. Victor Street sa Barangay Pio del Pilar 11:00 ng gabi.
Sa kuha ng CCTV, nakitang nagpapahinga sa passenger seat ng isang kotse ang biktima nang may sumulpot na lalaki sa gilid ng kotse.
Nagtakbuhan ang mga residente nang magpaputok ang salarin.
Dali-dali ring tumakbo ang salarin at sumakay sa isa sa dalawang motor na naghihintay sa dulo ng kalye.
Naisugod naman sa ospital ang biktima nguni’t idineklarang dead on arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.