Advertisers

Advertisers

Marami pang pulis sangkot sa P6.7B droga – DILG Sec. Abalos

0 179

Advertisers

Kumbinsido si DILG Secretary Benhur Abalos na marami pang matataas na opisyal na sangkot sa sa P6.7 bilyon droga na nakumpiska sa Tondo, Maynila noong nakaraang taon.

“Mas marami pang opisyal ng pulisya ang sangkot sa P6.7 bilyong ilegal na drogang nakumpiska sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022.”

Ito ang ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.



“I believe there are some other officers of the Philippine National Police (PNP) involved here sa mga nakita kong ebidensiya (based on evidence we saw),” ani Abalos.

“I promise you this, heads would roll here. I’ve got evidence against them.”

Noong March 16, winasak ng mga awtoridad ang 990 kilogram ng shabu na nakumpiska kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo sa isinagawang operasyon sa Tondo, Maynila noong nakaraang taon.

Si Mayo, ang may-ari ng lending office kung saan nakumpiska ang droga ay dinismis sa serbisyo noong March 21 sa tatlong kaso ng grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Hindi naman binanggit ni Abalos kung ilang opisyal ng pulisya ang posibleng sangkot sa droga pero meron umanong mga high-ranking officials.



Aniya, nagpadala na siya ng sulat kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, at humingi siya ng mga updates sa kaso, bilang resulta ng fact-finding investigation at sa proceedings na isinulong laban sa dalawang pulis na umano’y nagtangkang magtago sa 42 kilo mula sa 990 kilo ng shabu, gayundin sa disposisyon ng mga nakumpiskang ilegal na droga.

Lumiham na rin ­aniya siya kay National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman Alberto Bernardo hinggil dito.

Inatasan din umano niya ang NAPOLCOM na magsagawa ng fact-finding inquiry sa aksiyong isinagawa ng Special Task Force bilang bahagi ng mandato nitong imbestigahan ang mga anomalya at iregularidad ng mga pulis.

Habang nakabinbin pa naman ang imbestigasyon, hinikayat din ni Abalos ang mga pulis na sangkot sa kaso na mag-leave of absence muna.

“I am very serious with this case as this is part of the internal cleansing of the PNP we have initiated since the start of my term,” aniya pa.