Advertisers
INIHAYAG kamakailan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkabahala nito sa panibagong diskarte ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na manggulo o’ umatake nang malalapit sa mga paaralan o unibersidad.
Ito ay sa kabila, na itinuturing ang mga paaralan, kolehiyo o mga unibersidad na mga ‘peace zones’ at ang paggamit nito bilang lugar ng pag-ambush sa mga tropa ng pamahalaan ay di na katanggap-tanggap.
Ito ay muling pagpapakita ng mga komunistang-terorista nang Hindi paggalang sa ating mga institusyon gaya ng mga paaralan.
Kaya nga mariing kinokundina ng NTF-ELCAC at ni Vice President at Education Secretary Inday Sara Duterte at ng iba pang kabahagi ng education sector ang pagwawalanghiyang gawaing ito nga mga CPP-NPA-NDF.
Ito ay pautot lamang ng mga komunistang-terorista na sila ay may lakas pa, kahit na parang putol na ulo ng pato ang sitwasyon nila, ngayong wala na halos natitira pang mga lider na mamumuno sa kanilang kilusang Wala namang talagang katuturan.
Panibagong diskarte na naman nila ito upang maipilit sa pamahalaan na kailangan na muli ng ‘ceasefire’ o Tigil putukan at maupo muli sa usapang pangkapayapaan.
Anong sinasabing usapang pangkapayapaan? Kung ang kanilang pamamaraan ay idinadaan pa sa karahasan na kadalasan ay pumapatay pa ng mismo nilang mga kababayan.
Yan ba ay nasa tamang katinuan? Lumang tugtigin na yan. Ang direksiyon ng pamahalaan, sa pangunguna ng Administrasyong Marcos at ang mga nauna pa rito, ay iisa lang – ang durugin at wakasan na ang karahasan dala ng mga komunistang-terorista.
Wala nang usapang pangkapayapaan pang magaganap, dahil mapipigil lamang nito ang pagbuhos ng mga proyektong magaangat sa kabuhayan ng mga kababayan nating nasa mga kanayunan na matagal nang niloloko ng mga CPP-NPA-NDF na kahirapan ang ugat na dapat idaan sa armadong pakikipaglaban.
Utot niyo! Lumang istyle na yan. Magsisiuko kayo at nang maramdaman niyo rin ang tunay na pagmamalasakit ng ating pamahalaan sa mga mahihirap na kayo naman talaga lang ang dahilan.