Advertisers

Advertisers

7 CHINESE FISHERMAN NA NASAGIP SA EASTERN SAMAR, IPINATAPON PABALIK SA CHINA

0 141

Advertisers

PITONG mangingisdang Chinese na nasagip ng mga Pilipino sa karagatan ng Eastern Samar sakay ng kanilang ‘distressed fishing vessel’ ay napag-alamang kinasuhan ng criminal offenses sa kanilang bansa at ipinatapon pabalik sa China.

Kinilala ang mga mangingisda na sina Tang Rixin (alyas Tong Yat Sun), 63; Mai Bolin (alias Mak Pak Lam), 55; Chen Zhewei, 48; He Chengjun, 41; Liu Jianping, 36; Shi Junning, 52; at Lei Dengzai, 34.

Sina Rixin at Bolin ay mga mamamayan ng Hong Kong habang ang iba ay mula sa mainland China.



Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang mga Chinese crew na natagpuan sa fishing vessel na Kai Da 899 ay pinaghahanap ng Chinese police para sa mga criminal offense dahilan upang ipatapon ang mga ito pabalik sa kanilang bansa.

Nabatid sa ulat na nabigo ang mga tripulante na magbigay ng kaukulang dokumento at matapos ang karagdagang imbestigasyon, napag-alamang ang fishing vessel ay isang supply boat taliwas sa unang naiulat.

Ayon kay Tansingco, hindi pinapasok ang mga Chinese dahil natagpuan sila sa karagatan na nasa teritoryo ng Pilipinas na may layuning iwasan ang immigration authority.

“Their presence in the country as fugitives from justice poses a risk to public interest. We have included their names in the BI’s blacklist, effectively barring them from re-entering the country,” ani Tansingco

Ang pitong chinese fisherman na iligal na pumasok sa Pilipinas ay sinamahan ng BI intelligence officers sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight PR382 pabalik ng Guangzhou, China noong Miyerkules. (JOJO SADIWA / JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">