Advertisers
Sa pangaral ng mga tagapagturo ng BIBLIYA.., ang KORONANG TINIK na ipinutong sa ulo ni LORD JESUS CHRIST at ang pagpapako sa Kaniya sa KRUS ay simbulo sa pagtubos sa kasalanan ng mga tao; subalit sa panahong ito ay tila KORONANG TINIK ANG ISINALAKSAK SA SANGKATAUHAN ng mga nagpasimuno sa kawalang-ingat na COVID VACCINATIONS dahil dumarami na ang nagsisidanas ngayon ng side effeçt sa mga napagtuturukan bukod sa ang iba’y kamatayan ang nasapit nitong COVID PANDEMIC.
Sa CATHOLIC RELIGION ay natapos na ang kanilang HOLY WEEK CELEBRATION kahapon bilang paggunita sa buhay at naging paghihirap ni LORD JESUS CHRIST.., pero, ang mga napilitang nagpa-covid vax ay ngayon pa lamang nila nararamdaman ang iba’t ibang epekto sa kanilang katawan tulad nang paghina ng resistensiya ng katawan, naging mabagal ang kilos, nangingirot na ang mga kalamnan at madali nang hingalin gayong noong hindi pa sila nagpa-covid vax ay normal at malusog ang kanilang mga pangangatawan.
Mga ka-ARYA.., hindi po ako manggagamot o doktor kundi pinapagana ko po lamang ang aking sentido komon o lohika sa reyalidad ng ating buhay.., na ang mga nararamdamang paghina ng katawan ng mga napilitan sa COVID vax ay epekto na po iyan ng kemikal na itinurok sa inyong katawan.., kasi nga po ang isinagawang COVID VAX AY EXPERIMENTATION PA LAMANG!
Ang iba’t ibang epektong nararamdaman ngayon ng mga naturukan ay normal po iyan at bahagi ng EXPERIMENT sa mga naimbentong panlaban kuno sa mga COVID VIRUS.., na dapat ay bahagi ito ng mga itinatalang obserbasyon ng mga SCIENTIST o DOCTORS.., yun nga lang tila walang isinasagawang MONITORING ang mga bumubuo ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) para sa klaradong ikatutuklas kung epektibo ba ang mga naimbentong COVID VAX o perhuwisyo sa kalusugan ng mga tao.
Ang sambayanan ay hindi tinagubilinan o pinaalalahan ng GOVERNMENT OFFICIALS partikular na ng DOH na “EXPERIMENTATION STAGE” pa lamang ang mga ginagawang bakunahan para makadiskubre kung ano ang mga gamot na epektiong panlaban sa COVID-19 VIRUS.. sa halip ay ipinangalandakang aprubado ng BUREAU OF FOODS AND DRUGS AUTHORITY (FDA) ang mga gagamiting pambakuna gayung ang inaprubahan ay para sa EMERGENCY USE AUTHORITY (EUA) lamang, kasi nga ay hindi pa maaaring maglabas ang FDA ng PRODUCT CERTIFICATION dahil nasa proseso pa lamang ng EXPERIMENTATION STAGE, na ang mga ganitong eksperimento ay tumatagal ng mahigit 5-taon para madiskubre kung epektibo ang gamot o perhuwisyo sa kalusugan ng mga tao.
Bago pa man ang sinasabing COVID-19 PANDEMIC.., ang mga SCIENTIST ay mga hayop tulad ng unggoy, daga o koneho ang ginagamit nila sa kanilang mga inimbentong gamot.. subalit nang manalasa ang COVID VIRUS ay nagmadali ang mga HEALTH OFFICIAL para sa paggamit ng COVID VAX kaya EUA lang muna ang iginawad ng FDA.., at upang mahikayat ang lahat ng mamamayan na magpabakuna ay walang humpay ang isinagawang kampanya na SAFE & EFFECTIVE daw ang mga gagamiting COVID VAX gayong pinasisimulan pa lamang ang eksperimentasyon.
Humantong pa na tila namuwersa ang GOVERNMENT sa paraang tinakot ang mamamayan na kung hindi magpapabakuna ay ang mga BARANGAY OFFICIAL at POLICE FORCE ang magbabahay-bahay at aarestuhin ang walang bakuna.., hayun, nanginig sa takot ang karamihan kaya kinabukasan ay halos siksikan ang mga tao sa mga VAX CENTER para magpabakuna huwag lamang silang maaresto at makulong hehehe!
Siste, marami ang dumanas ng negatibong epekto sa katawan matapos makapagpa-bakuna at marami rin ang mga namatay sanhi ng COVID VAX.., yun nga lang ay ipinagbawal ng WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO) ang paglalabas ng mga balita sa mga namatay at dumanas ng side effect na ang mga nagpo-post sa fb patungkol sa masamang epekto ng vax ay kagyat lamang naipost sa social media.., paglipas ng halos isang minuto ay burado na ang post.
Gamitin natin ang ating lohika.., bakit nga ba hinayaan ng mga GOVERNMENT OFFICIAL ng iba’t ibang mga bansa ang gayong sistema?
Kasi po, ang lahat ng mga bansa ay kumita ng multi-bilyong salaping komisyon mula sa mga COVID VAX PRODUCT para gamitin sa EXPERIMENTATIONS.., na tila sumisimbulo sa KORONANG TINIK na ipinutong sa ulo ni LORD JESUS ay isinalaksak naman ng mga HUDYO este HEALTH OFFICIALS ang KORONANG TINIK sa ulo ng bawat mamamayan.., kaya nga, natapos kahapon ang paggunita sa sinasabing HOLY WEEK ay hindi pa rin naaalwanan ang nararamdaman ng mga naturukan dahil lalo pa ring humihina ngayon ang resistensiya ng mga taong pinutungan ng KORONANG TINIK o yaong sumailalim sa COVID VAX at BOOSTER.
EXPERIMENTATION pa lamang ang mga gamot subalit pinuwersa na ang mga taong magpabakuna para kumita ng limpak na salapi ang mga TOP OFFICIAL kesehodang mangamatay ang kanilang constituents.., e patuloy na lamang bang titiisin ng mamamayan ang negatibong epekto ng vax? Ang mga nabakunahang uminam ang kanilang mga kalusugan ay dapat lamang magpasalamat dahil natiyempong angkop sa kanilang resistensiya ang epekto ng kemikal na itinurok sa kanila.., e paano naman ang mga namatay dahil sa vax at sa mga naratay ngayon sa upuan o higaan dahil sa side effect?
Maraming mamamayan ang hindi nakibahagi sa EXPERIMENTATION VAX…, pero marami sa kanilang mga kapamilya o kaanakan ang nadale ng side effect ng vax.., hindi ba napapanahon na ngayong hugutin ang KORONANG TINIK at ISALAKSAK naman sa ulo ng mga VAX INITIATOR upang ipadama sa kanila ang epekto sa naging panghu-HUDAS nila sa tila IPINAGBILING KALAYAAN ng mga mamamayan sa larangan ng pangkalusugan?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.