Advertisers
Naaresto ang isang pedicab driver nang masakote sa buy bust operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Allan Umipig ang suspek na si Jayson Gacayan, 42, ng Leongson St., Brgy. San Roque.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) PBGen Ponce Rogelio Penones Jr., 12:17 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCpt Luis Rufo Jr., ng buy bust operation sa Little Samar St., Brgy. San Jose.
Nakabili sa suspek ng P12,000 halaga ng shabu mula sa poseur buyer at agad itong inaresto ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang aabot 56 grams ng shabu na may standard drug price P380,800.00, at buy bust money .
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)