Advertisers

Advertisers

UNIBERSIDAD NG PASAWAY?

0 173

Advertisers

REAL talk lang tyo.

Marami ang deserving students na matatalino ang nag-aaral sa pamantasan ng estado.

Mga tunay na iskolar ng bayan.



Iyong mga iilan na lamang na natitirang latak na mga salot ng lipunan na nahalong bulok na kamatis sa bungkos ng mapipintog ang utak sa talino ay pinalalabas lang na malaking grupo upang guluhin ang tahimik na sistema sa akademya.

Sorry to tell,sila ay likha ng ilan sa ating kahanay sa pamamahayag na nagkataong nasa mainstream na ang kultura ay magandang ibalita ang masamang balita.

Dito humihiram ng tapang ang mabibilang na lang sa daliri na ang sa tingin nila sa sarili ay radikal na intelektwal ang inilalarawan sa madla ng lihis na media ang katotohanang bahag din ang buntot nila kapag wala nang kumakampi sa kanila.

Iyong nangyaring bayolenteng paninira ng propriedad sa loob ng kampus,iilan lang sila na puwedeng arestuhin ng otoridad on the spot.Pero pinalalabas ng ilang kruk na media na ang gulo na ng paligid sabay kinukunan ang mga me hawak ng plakards na nagrarali gayong di naman tunay na estudyante kundi mga hakot ng mga ralyistang ginawang livelihood ang magmartsa sa kalsada ,magtipon ang mga marurusing na nagsisigaw nang ibagsak ang pamahalaan na kinukunsinte at proud pa ang iilan ding kongresistang makabayanblak kuno sa House of Congress na ang mentalidad ay kayang magpabagsak ng administrasyon sa pamamagitan ng kanilang ingay sa megaphone.

Sila iyong mga obsolete nang akala nila ay buhay pa ang ningas ng kanilang pinaglalabang ideology daw na kasangkapan lang para magkapangalan pero sa totoo lang ay para ito pagkaperahan.



Katalinuhan ba na ang isang kabataang estudyante na namumuhay ng normal sa kalinga ng magulang na may rangya at naitataguyod sila sa pag-aaral pero papalason ang tuktok na mamundok ,iwanan ang sibilisasyon at isiping masama ang modernisasyon ?At ang pinakamalaking kabalbalang masawi sa engkwentro laban sa kapwa Pilipino ay kawalang dignidad ang pagpanaw sa mundo dahil sa walang katuturang paniniwala.

Panahon na para sa mga tunay na matatalino ng estado sa pamantasan na ipagtanggol at isalba ang hanay nilang nadadamay sa masamang imahe,napakarami nila at isang sigaw lang ay tatameme na ang mga pasaway na radikal daw ng pinagpipitagang institusyon.

Kayong mga pasaway na dapat ay nagsusunog ng kilay para sa magandang buhay,maraming paraan para kayo mapansin , sumikat at magkapangalan.

Huwag na sa bayolenteng paraan at lihis na ideolohiyang pinaglalaban.Sayang ang panahon ng inyong kabataan.

Kung ayaw ninyong sumunod sa pamahalaan umalis kayo sa unibersidad ng estado para maibigay naman sa ibang deserving ang inyong tinatamasang pribelehiyo mula sa gobyerno… ABANGAN!!

Lowcut:
Mula nang nag- pokus sa larangan ng palakasan ang mga state universities ay naging sports power na sila sa mga collegiate leagues at ang kanilang mga athlete students ay mga sumisikat na at may magandang buhay na naghihintay. Isang epektibong paraan ito para maubos na ang kakaunting sumasandig pa sa LEFT..that’s RIGHT!