Advertisers

Advertisers

BBM ARTS & SPORTS CLINIC SA SOUTH AT GIBFI

0 122

Advertisers

IKAKASA na ng korner na ito ang isang makabuluhang programa para sa kabataang in and out of school kids .

Ang noble project ng inyong lingkod ay naglalayong makapagturo ng basic na kaalaman partikular sa sining at sports sa mga potensyal na kabataan na naglalayong maturuan sila para maging giya ng kanilang buhay sa pagtupad ng pangarap at livelihood na rin sa hinaharap.

Ang ating proyekto ay tinaguriang Batang Bibo Magdrowing(BBM) at Batang Bibo Maglaro ( BBM).



Sa suporta ng ating mga matulunging kaibigan sa sports and arts community ay magiging matagumpay ang ating adboksiya sa katimugan ng Pilipinas.Special shoutout sa Guardians International Brotherhood( GIBFI) at kina Mayor Seth Frederick ‘Bullet Jalosjos ng Dapitan City , kay kasining Ms. Kat Uyehara Hamoy at tourism official Marie Agolong.Mabuhay!

Lowcut: Tunay ngang meron pang mga good samaritan dito sa ating bayan.Hindi sila taga-samar o waray kundi mga Kapampangan o Kabalen.

Nitong nakaraang Holy Week ay nagbakasyon sina utol Cam Simon kasama ang kanyang maybahay na si ate Marlyn,mga anak at apo sa aming balwarte sa Tarlac mula sa Quezon Province.

Masaya ang tatlong araw nilang bakasyon kasabay ng reunion naming angkan bukod sa solemn na pagtitika bilang Kristiyano.

Natapos ang okasyon ay uwian na sa Quezon kasabay din ng dagsang bakasyunista sa prrobinsiya na balikan na rin.



Umiwas sa expected trapik sa NLEX ay nag- MacArthur sila.Di nga lang naging smooth ang biyahe nagbreakdown ang kanilang sasakyan.

Nagkataon namang may mabubuting loob na tumulong hanggang makatawag ng mekaniko at dahil sa seryoso ang problema mekanikal ay kailagang madala sa kanilang talyer.Need ng piyesa pero walang mabilhan kung kaya pinatuloy ang mag-anak sa kanilang tahanan habang inaayos ang sasakyan.Gumaan ang kanilang alalahanin,feel at home sila sa estima ng mabubuting kabalen hanggang kinabukasan ay nakumpuni ang van at nakauwi sila ng matiwasay sa kanilang tahanan sa Quezon.

Ang laki ng pasasalamat nina utol at ako sa pamilyang JUCO na sina Bhoy at Nhor na magulang ng anak na panganay Edgar Juco at ni first Kagawad Henry Juco( Sina Kuya Boy at Edgar ang mga mahusay at mababait na nagkumpuni ng sasakyan at take note,di sila tumaga at nagsamantala sa sitwasyon at umiral ang pagiging Maka-Diyos at Maka- Tao ng pamilya JUCO.

Sa aking nakaskedyul na coverage sa Pampanga ay personal nating pasasalamatan ang mabuting pamilyang ito at sasadyain ko sa kanilang lugar sa Barangay Panipuan Purok Uno sa San Fernando,Pampanga.

Saludo sa pamilya Juco!