Advertisers
Ni BETH GELENA
MAGKASAMANG nag-spend ng Easter Sunday sina Kris Aquino at Mark Leviste with Bimby.
Sa Twitter official fan account na Kris Aquino World nagbigay ng update ang Queen of All Media.
May uploaded photos siya na kasama sina Leviste at Bimby nu’ng Easter Sunday.
Makikitang nag-e-enjoy ang TV host sa pagsa-shopping and she seemed to be in better health in her first public appearance in months.
“Easter Sunday with Kris Aquino, Bimby, @markleviste, and Michael Leyva,” ayon sa caption ng fan account.
Kamakailan lang sa uploaded video ni Ogie Diaz na bumisita kamakailan sa California akala niya ay mabibisita niya si Kris.
Pero hindi pumwede si Kris dahil may appointment siya sa kanyang sa
doktor kaya si Bimby ang pinaharap ni Kris para makausap si Ogie.
Kinumusta ni Ogie si Kris kay Bimby
“Okay naman, you know… stable, that’s a good word, stable lang. Of course, still beautiful, forever beautiful,” saad ng anak ni Kris at nadagdagan na rin daw ang timbang ng ina.
***
BAMBOO HINDI UMIKOT SA PAGKANTA NI KIM SA THE VOICE
Hahaha… Kolokah itong si Kim Chiu.
Imagine, nagpanggap siyang contestant ng The Voice Kids.
Kinanta niya ang isa sa mga hit song ni Bamboo.
Pinipilit niyang ma-impress ang tatlong hurado na sina Martin Nievera; KZ Tandingan at Bamboo para umikot habang kumakanta ang Chinita Princess.
Bago matapos ang kanta ay umikot sina KZ at Martin.
Pero, ayon kay Kim ang gusto niyang umikot ay si Bamboo dahil idol daw niya ang singer.
Sey naman ni Bamboo, blinknock niya ang sarili para hindi mapaikot.
Tawang sabi ni Kim. “Ikaw ang gusto ko pong umikot at aktong umiiyak na nagpaalam.
Tawang-tawa naman ang mga host sa ginawa ni Kim.
***
NAALIW ang netizens sa convo nina Paulo Avelino at Kim Chiu.
May random questions mula sa netizens sa Twitter.
Sey ng netizen kung bakit wala siyang post sa Instagram.
“Kasi hindi social media buhay ko,” sagot ng actor.
Isa pa ang nagtanong na pakiwari ng ibang netizens ay ang kasamahan ni Paulo sa Linlang na.si Kim.
“Bored po ba kayo? #AskPau,” tanong ng Chinita Princess.
“Oo. Eh paano binayaran mo si Direk na unahin lahat ng eksena mo,” sagot ni Paulo.
Naaliw ang netizens,
“Haha start na ba bardagulan ng Linlang Team?”
“Hala hahahaha kikilig me.” “OMG kinikilig Ako. Can’t wait for Linlang.”