Advertisers

Advertisers

Umbok na tiyan ni Toni napag-initan ng netizens

0 166

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA panayam ni Toni Gonzaga sa singer actress na si Angeline Quinto ay di naman tutok ang netizens kay Angge.
Maraming naibahagi na pangyayari sa kanyang buhay at career si Angeline.
Natuwa ang netizens sa pagbabahagi ng singer-actress ng kanyang mga naging karanasan simula nang mawala ang kanyang kinikilalang mudra na si Mommy Bob.
Nasambit din ni Angeline ang kanyang buhay may asawa at pagiging ina.
Pero tila mas pokus at tutok ang netizens sa tiyan ni Toni.
Kaya’t samut saring reaksyon ang inani sa netizens regarding sa baby bump ni Toni.
Sey pa ng netizens na di na nga raw maitatago pa ng sissy ni Alex Gonzaga ang kanyang umuumbok na tiyan.
Halatang-halata na ang kanyang tummy kahit pa magsuot ng black dress ang host ng Toni Talk.
Di na raw mapipigil pa ang pagiging Kuya ni Seve dahil sa parating na bagong blessings sa buhay nina Toni at Direk Paul Soriano.
Marami pa ngang napa-comment at halos lahat naman ay happy sa pagdadalang tao ni Toni.
Sa kabila na halata na ang umbok ng tiyan ni Toni ay tahimik pa rin ang kampo ng mag-asawang Toni at Direk Paul.
***
Gladys type ma-experience na apihin si Ate Vi
SA pagsalang ni Gladys Reyes sa FT ni Boy Abunda na itinanghal na Best Actress sa 1st Summer MMFF sa movie na Apag.
After 10 years nga raw na di na nakagawa ng full length, now lang daw ulit at natuwa pa nga si Gladys dahil napiga siyang mabuti ni Direk Brillante Mendoza.
Thankful naman si Gladys at napansin ang kanyang akting sa Apag.
Nanibago man ang mga manonood sa aktingan ni Gladys, ang mahalaga ay nabigyan nito ng justification ang kanyang role as in dramahan ang peg nito.
Kaya naman ang pagmamaldita ni Gladys na tumatak sa karamihan sa kanyang role or character ay nanibago sa kanyang akting sa pelikula.
Dahil sa maldita role na ginagampanan ni Gladys sa mahabang panahon ay tumatak na ito sa manonood.
Kaya naitanong naman kung sino pa ba ang gusto nitong api-apihin na mga artista.
Walang kagatul-gatol na sagot ni Gladys na ang Star For All Seasons Vilma Santos ang gusto nitong makasama sa project.
Sey pa ni Gladys na gusto nitong maranasan kung paano apihin ang isang Ate Vi.
Tanong, mabigyan naman kaya ng oportunidad si Gladys na makasama si Ate Vi sa project?
Well, well, well…’Yun na!