Advertisers

Advertisers

Winwyn ‘di sigurado kung niligawan ni Alden; Beauty bumongga ang career nang lumipat sa Siyete

0 164

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ANG pelikula noon ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Mayor Lani Mercado na Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis, ay isasalin na sa telebisyon. Mapapanood ito weekly sa GMA 7 bilang isang sitcom.

Si Sen. Bong pa rin ang magiging bidang lalaki.



Sa tanong sa kanya kung sino ang magiging kapareha niya, ayaw pa niyang i-reveal. Secret na lang daw muna.

Pero may nakarating sa amin mula sa isang reliable source ng Marisol Academy, ang online show namin nina Roldan Castro at Mildred Bacud, na si Beauty Gonzales umano angakakapareha ni Sen Bong.

Kung true man ito, bongga si Beauty dahil magiging leading man niya si Sen. Bong.

Nu’ng lumipat si Beauty sa GMA 7 mula sa ABS-CBN, mas lalong bumongga ang kanyang career. Hindi siya nawawalan dito ng proyekto. Siguro ay masarap katrabaho si Beauty, wala itong attitude, kaya ganoon na lang ang suporta ng Kapuso network sa kanya at kanyang career.

***
SA guesting ni Winwyn Marquez sa Fast Talk With Boy Abunda noong Miyerkules, kinuha ni Kuya Boy ang panig ni Winwyn tungkol sa naging pahayag ni Alden Richards noon, nang mag-guest din ito sa nasabing talk show.



Diretsahang tanong ni Kuya Boy kay Winwyn,”Noong dumalaw sa amin dito si Alden, na-mention niya na muntik na kayong maging magkarelasyon. What’s the story?”

Sagot ni Winwyn: “Alam mo, Tito Boy, kasi I saw the clip, ang dami kasing nag-tag sa akin and all. Tama naman yung sinabi ni Alden na dahil sa work.

“Pero there’s really not much to talk about outside that I consider him as a really good friend.”
Sundot na tanong sa kanya ni Boy, “So, yung muntik, tama yon?”

Sa puntong ito, ipinaliwanag ng aktres na hindi siya sigurado sa kanyang isasagot dahil hindi rin naman niya alam ang tunay na motibo sa kanya ni Alden noon.

“Yung muntik, hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya.

“Kasi si Alden… I don’t know if may misunderstanding or anything, kasi he’s really kind, malambing siya, mabait siya.

“I feel like he is like that to everyone, sobrang bait kasi niya.”

Hindi rin daw nasagi sa usapan nila noon na may plano palang manligaw sa kanya si Alden.
“We can talk about anything under the sun.

“So, I just felt that he was really good friend.”

Tanong ulit ni Kuya Boy, “Wala talaga yung deliberate na, halimbawa, bulaklak o dumalaw sa bahay?”

“Wala naman pong ganon. Wala, wala po talaga,” nakangiting sagot ni Winwyn.

Ayon pa sa anak nina Alma Moreno at Joey Marquez, nang mapanood niya ang naging pahayag ni Alden tungkol sa kanilang nakaraan ay wala naman siyang masamang naging reaksiyon.

Sa katunayan, proud na proud daw siya kay Alden sa lahat ng success at achievement na nakamit nito.

Aniya, “Wala naman po, kasi tapos na, e.

“I don’t want to go back and dwell in the past because kahit anong sabihin natin, I’m so proud of him.

“I’m so proud of his success.

“Seeing a friend na ginawa niya talaga yung gusto niyang gawin, I would support him all the way. We remain good friends.”